Ngayong araw, nagparamdam na ang fiancé ni Carla Abellana at inamin nga nitong tinamaan din siya ng COVID-19 na siyang dahilan kung bakit nawala siya pansamantala sa social media.
“I was taking some time off and trying to recover, because I had tested positive for COVID-19,” sabi ng Kapuso actor sa ipinost niyang video sa Instagram.
“I was quarantined for a little over four weeks. It took a while before I was deemed clinically recovered,” aniya pa.
Ayon sa future husband ni Carla, nakuha niya ang virus nang mag-shooting sila sa labas ng Metro Manila para sa ginagawa niyang pelikula.
Sa unang resulta ng antigen swab test na isinagawa sa kanya ay nag-negative naman siya.
Ngunit bago siya tuluyang umuwi sa kanilang bahay ay pinayuhan siya ni Carla na magpa-PCR test uli para makasiguro sila.
At dito na nga niya nalaman na nahawa na nga siya ng COVID, “Buti na lang I took her advice and hindi muna kami nagkita, so there’s no chance I infected her.
“I tested positive and I’ve clinically recovered for mga over a week,” sabi pa ng aktor.
Buti na lang daw “manageable” ang mga naramdaman niyang symptoms, “Thankfully, nu’ng nagka-COVID ako, I had very, very mild symptoms. It was very manageable.
“So I didn’t have fevers, I didn’t have cough and phlegm, and tightness in my chest. And fortunately, fortunately, I didn’t have any loss of smell or taste so I was still able to eat and boost my immune system that way,” pahayag pa ni Tom.
Sa ngayon ay naka-quarantine uli ang aktor sa isang hotel para naman sa bago niyang TV project. Aniya, sumailalim na siya sa antigen test pero balak niyang magpa-PCR test uli para makasiguro bago tuluyang sumabak sa lock-in taping.
Kamakailan, nag-viral ang wedding banns nina Carla at Tom matapos ihayag ng San Guillermo Parish sa Talisay, Batangas ang petsa at venue ng kanilang church wedding.
Nakalagay sa announcement na ikakasal ang Kapuso couple sa Oct. 23, 2021 sa Madre de Dios Chapel sa Tagaytay Midlands.