Kathryn nagpadala rin ng ‘pampaswerte’ kay Rabiya: Kahit anong mangyari, proud kami sa ‘yo!

IDOL na idol din pala ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang Box-Office Queen na si Kathryn Bernardo.

Kaya naman tuwang-tuwa ang Pinay beauty queen nang matanggap at mapanood ang video greeting ni Kathryn para sa paglaban niya sa inaabangang Miss Universe 2020 pageant ngayong darating na Lunes.

Binati at mas pinalakas pa ni Kathryn ang loob ni Rabiya sa nalalapit na pagrampa niya sa isa sa pinakasikat na beauty pageant sa buong universe.

Ang recorded message ng girlfriend ni Daniel Padilla ay ipinost ni Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa sa kanyang social media account.

Siya mismo ang nag-request sa Kapamilya actress na kung maaari ay gumawa ng video greeting para kay Rabiya dahil nga isa itong certified fan ng dalaga.

Ipinadala ito ni MJ kay Rabiya na patuloy pa rin ang ginagawang training sa Florida, USA kung saan gaganapin ang grand coronation night ng pageant.

“Labanan nyo ang surprise video ko for Rabiya hahaha! Kinilig na naman sya eh. Go Philippines!!! Let’s bayanihan and vote for Miss Philippines on the Lazada app guys,” ang caption ni MJ sa nasabing video ni Kathryn.

Narito naman ang mensahe ng tinaguriang Queen of Hearts kay Rabiya, “I know there’s a lot of pressure for the upcoming pageant, but know that the whole Philippines and every Filipino will be cheering for you on that day.

“Ngayon pa lang, we’re very, very proud of you. Whatever happens, proud kami sa ‘yo.

“We wish you all the best. Do you. Enjoy the journey. Kami nang bahala mag-cheer sa ‘yo dito,” sey pa ni Kathryn na looking forward nang makilala ang beauty queen up close and personal.

Bago ito, nagbigay din ng inspiring message ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli para sa paglaban ni Rabiya sa Miss Universe na isa ring proud Popster.

“Congratulations in advance. God bless you. May God grant you wisdom and courage as you represent our country in the Miss Universe 2021 pageant. We’re very proud of you. Whatever happens, do it for the glory of God,” pagbati ni Sarah.

Mensahe naman ni Matteo sa dalaga, “We wish you all the best. We’re praying for you, rooting for you. God bless you and thank you very much for representing the Philippines with all you can. Maraming salamat.”

Read more...