Wally, Eat Bulaga EB babe may sex scandal?

MABILIS na kumalat sa social networking sites ang ilang minutong sex video umano ng komedyanteng si Wally Bayola, regular na host ng Eat Bulaga at ng isang dancer nang nasabi ring programa.

Malinaw ang mga eksena dahil nakabukas ang ilaw sa kwarto, at kung sisipatin ang mga tao sa video ay masasabing kamukhang-kamukha nga ito ng komedyante.  Una nang napaulat na isang Yosh ang sinasabing kapareha ng lalaki sa video.

Sa programa ng Eat Bulaga ngayong Martes ay wala si Wally.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang natatanggap na pahayag mula sa mga taong sangkot sa iskandalo, o kung sila ba talaga ang nasa video. Bukas ang Bandera sa paliwanag nina Wally at ni EB Babe Yosh.

Read more...