Walang mas magandang paraan upang magbigay-pugay sa mga ilaw ng tahanan, kundi ang ipagmalaki at ibandera sila. Noong nakaraang #MothersDay, ang Bandera at Globe — kasama ang KonsultaMD at HealthNow — ay nagkaroon ng isang promo para bigyan ng kaunting day-off na ikasasaya ng mga dakilang ina.
Ang promong pinamagatang “iBandera Si Mama sa Araw ng mga Ina” ay nag-hikayat sa mga netizens upang mag-share ng larawan nila, kasama ang mga mahal nilang ina, at ikwento kung ano ang ginawa nila para mabigyan ng kaunting pahinga at special treatment ang kanilang mga personal superheroes. Ang 10 comments na may pinakamaraming heart reactions ang napili upang manalo ng gift certificates pang-grocery mula sa Bandera, at home prepaid Wi-Fi plus prepaid load naman mula sa Globe!
Sa announcement of winners na ginanap noong May 13, 10 ka-tao na may mga creative comments, pictures at videos, at magandang mensahe para sa kanilang ina ang napili, at sila ay sina Katrina Advincula, Chester De Vargas, Carlo Divi, Eiram Los, Maryrose Reyes, Tovi Catibog, Ivy Gail, Jeni Arcillas Taneo, Redjj Gina, at Rowena Yanga Apostol.
Ayon kay Rowena Yanga Apostol na hindi kapiling ang kanyang ina at nagpaabot din siya ng napakagandang mensahe: “Para sa Mama ko today, Happy Mother’s Day. Ma, God bless, I miss you too, love you. Almost 14 years na hindi tayo nagkita dahil malayo ako sayo, wish ko sayo ngayon, stay safe always. Thank you so much sa supporta mo mom, thank you sa mga advice at love…” Para kay Eiram Los, daig pa ng kanyang ina si Wonder Woman sa tibay ng loob upang harapin ang lahat ng problema. Para sa kanya, deserve ng kanyang ina ang kaunting pahinga dahil hindi matatawaran ang pag-aalay ng kanyang buhay para sa kanilang magkapatid. Humingi rin siya ng kapatawaran sa kanyang ina dahil hindi sila magkakasama.
Kung may nakakaiyak, mayroon namang nakakaaliw, tulad ng entry ni Ivy Gail: “Si mama ko lokaret talaga yan. Minsan mainit ulo, minsan naman sobrang sweet. Siya ang nagtaguyod saming magkapatid simula nung namatay si papa at hanggang ngayon na napakadami na nyang apo nakasuporta pa rin sya sa amin.” Pabiro pang sinabi ni Ivy Gail na kung sakaling mapili ang kanyang entry ay ipapagawa nya ang ina ng bagong salamin at pustiso dahil ito lang ang simpleng hiling ng kanyang ina.
Kasama sa mga napiling winners ay yung nagsabing magbibigay siya ng bulaklak at cake para sa nanay nya, at meron ding nag-video call para maparamdam sa ina na hindi man sila magkasama, maipadarama naman niya ang kanyang pagmamahal kahit sa telepono lang.
Wala tayo kung walang inang nagsilang sa atin kaya’t hindi kasya sa isang araw lamang ang mga nais nating iparating sa ating dakilang ina na, ano man ang tawag natin sa kanila—mama, mommy, momshie, inang, nanay, inay—ay karapat-dapat silang ipagmalaki, ipagyabang, at pasalamatan sa araw-araw.
Ang simpleng promo na ito, sa tulong ng Bandera at Globe, kaakibat ang KonsultaMD at HealthNow (mga karagdagang serbisyo mula sa Globe para sa kanilang customers), naiparating natin kay nanay ang ating saloobin at naibigay natin ang karapat-dapat na break na kailangan at deserve niya. Sa KonsultaMD at HealthNow, pati na ang kampanyang #StartANewDay, pinapahalagahan ng Globe ang pangkalahatang kalusugan ng bawat Pilipino at ang papel ng bawat miyembro ng pamilya upang mapanatiling malusog hindi lamang ang katawan, kundi pati na ang isipan.
Congratulations sa lahat ng nanalo! Maaaring makipag-ugnayan lamang kayo sa marketing representatives ng Bandera kung paano iki-claim ang premyo.