SHOCKED ang award-winning actress na si Rosanna Roces sa bonggang regalo na ibinigay sa kanya ni Megastar Sharon Cuneta kamakailan.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Osang nang matanggap ang pa-surprise sa kanya ni Shawie na isang mamahaling bag.
Sa kanyang Instagram account, ibinandera ng veteran actress actress ang litrato ng nasabing branded bag na regalo sa kanya ni Mega para sa nalalapit niyang birthday.
Sey ni Osang, hindi lang daw ito mamahalin at branded kundi personalized pa kaya naman abot-langit talaga ang pasasalamat niya kay Mega.
“Thank you very much for the advance b-day gift. Grabe, tulala pa ako hanggang ngayon.
“Personalized talaga, grabe! Love mo talaga ako,” ang inilagay ni Osang sa caption ng kanyang IG post.
Naging super close sina Sharon at Rosanna nang magkatrabaho sa pelikulang “Revirginized” na idinirek ni Darryl Yap na malapit na ring mapanood ng madlang pipol.
Sa isang post ni Roces sa Instagram, ipinangako niyang aalagaan ang pagmamahal at tiwalang ibinibigay sa kanya ni Mega na talagang puring-puri niya ang kabutihan ng puso at pagmamahal sa kanyang kapwa.
* * *
Umani na ng libu-libong likes sa Facebook ang fan-made video ng award-winning Kapuso sitcom na “Pepito Manaloto” ng GMA.
Patok sa netizens at anime fans ang obra ni Jose Antonio Santos na ginawan ng animation at Japanese version ang nakaka-LSS (last song syndrome) na theme song ng programa.
Biro pa ng isang netizen, “Pepito Manaloto is my favorite slice of life anime.”
Patunay lang ito na sa loob ng isang dekadang paghahatid ng mga nakatutuwang kuwento ng “Pepito Manaloto,” nananatili pa rin itong paborito ng viewers.
Ang sitcom ay tungkol sa buhay nina Pepito (Michael V.) at asawa niyang si Elsa (Manilyn Reynes) na nagbago ang buhay nang tumama si Pepito ng jackpot prize sa lotto.
Bukod kina Bitoy at Manilyn, kabilang din sa cast nito sina John Feir, Jake Vargas, Angel Satsumi, Arthur Solinap, Mosang, Janna Dominguez, Jessa Zaragoza, Ronnie Henares, at Nova Villa.
Panoorin ang nakakaaliw na adventures ni Pepito at ng Manaloto family, tuwing Sabado, pagkatapos ng “24 Oras Weekend” sa GMA.