“KUNG barko ako, siya yung nagbibigay sa akin ng power or fuel para tuluy-tuloy lang ang laban sa buhay.”
Ganyan inilarawan ni Gerald Anderson ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa girlfriend niyang si Julia Barretto.
Aniya, ibang klase raw talaga ang naibibigay na kaligayahan ni Julia sa buhay niya ang naniniwala siya na mahal na mahal din siya ng aktres.
“Unconditional. Talagang, you know, parang alam ko na, kumbaga, sa tropa ko sa sundalo, alam ko lagi siyang andiyan by my side.
“And kumbaga, kung barko ako, siya yung nagbibigay sa akin ng power or fuel para tuluy-tuloy lang ang laban sa buhay,” paliwanag ni Gerald sa interview ng “I Feel U” sa kanya hosted by Toni Gonzaga.
“Maraming waves na darating pero kailangan tuluy-tuloy, maraming storms,” dagdag pa ng hunk actor.
Sa tanong kung anong klaseng kaligayahan ba ang naibibigay sa kanya ni Julia, “Ibang joy, ibang inspiration, hindi ko rin ma-explain, e, kasi para siyang ibang… parang nabibigyan ako ng panibagong motivation. And di ko rin alam kung kasama rin sa edad ko siyempre, 32, na ako.”
Samantala, natanong din ang binata kung ano ang kinaiinisan niya sa buhay bilang celebrity, “Siguro, lahat tayo na nasa industriya na ito, kumbaga laging may mali.
“Kumbaga, gusto lang makita ng tao kung ano yung perspective nila, kung ano yung, kumbaga, kung ano yung tingin nila sa atin. Yung iba, sabihin na natin na supporters natin, na sobrang perfect yung tingin sa atin.
“Parang nakakalimutan, parang tinatrato tayong produkto, na hindi tayo tao, wala tayong emotions, wala tayong pinagdadaanan din.
“And it’s very hard to explain that sa mga tao. Alam ko naman kung saan din ako nagkamali and hindi…ang dating sa ibang tao na parang wala lang sa akin, or kumbaga, nakikita lang naman ako pag may interviews, or yun pag may lumabas na soap ganu’n.
“Pero hindi naman nila nakita kung paano ako sa bahay or kung paano ko ina-absorb lahat ng ‘to,” mahabang esplika ni Gerald.
Alam naman daw niya ang kanyang mga pagkakamali pero naniniwala siya na hindi na niya ito kailangang isapubliko, “Na hindi ko sinasabi na parang ang dali lang sa akin kung ano man yung pinagdaanan ko.
“Siguro sa atin lahat, parang, but you know, once kapag humarap sa camera, siyempre hindi ko naman din kayang, meron tayong personal life din.
“Alam ko kung saan ako nagkamali. Alam ko kung ano yung dapat kong matutunan. Sa akin na po yun. I think yung maraming tao, gusto nila i-explain ko isa-isa, hindi po ganu’n, e.
“Ako personally, natutunan ko, grabeng growth ko sa mga failure at sa mga pagkakamali, at mga shortcomings ko kaysa sa mga success na nakuha sa buhay ko,” lahad pa ni Gerald sa nasabing panayam.