ANIM na araw na lang mula ngayon ay malalaman na natin kung sino ang tatanghaling Miss Universe 2020.
Kaya naman nag-post na rin si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa kanyang Instagram account ng mga larawan niya noong kandidata pa lang siya at patungong Bangkok, Thailand kung saan ginanap ang 67th Miss Universe competition.
Ang caption ni Catriona sa mga larawan niya, “And just like that, it’s @missuniverse season again! I think it’s such an amazing feat that the delegates from around the world have been able to be present in Florida, USA having overcome all the challenges that I’m sure they and their team faced! (emoji clapping).
“So shout out to all the contestants, their teams and families who have helped in allowing each woman to strive for her @missuniverse dreams despite the current climate!
“Seeing all the arrival looks so I’m reminiscing my own arrival look in Thailand (Definitely one of my favorites!) Who are you all cheering for?” ang isinulat ng dalaga sa caption.
Samantala, naging laman na naman ng social media si Catriona dahil tila hindi raw nito gaanong sinusuportahan ang kandidata ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.
At ikinukumpara pa siya kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at 2011 Miss Universe 3rd runner-up, Shamcey Supsup-Lee na nagbigay na ng kanilang pagsuporta sa ating kandidata.
Sa post ni Catriona sa kanyang IG ay hindi man lang niya binanggit ang pangalan ni Rabiya o nag-shoutout para sa Ms Philippines.
May nagsabing netizen na, “Should’ve you at least mention/support our Ms Universe Philippines candidate?”
Ang simple at may impact na sagot ni Catriona sa umano’y hindi niya pagsuporta kay Rabiya, “I’m a Filipino AND a Miss Universe. It’s a celebration of women from all over the world.”
May humirit naman ng tanong na, “REALLY??? You are a Filipina, instead of cheering for @rabiyamateo, you ask people who are they cheering for???”
Talagang pino-provoke ng ng ilan si Catriona pero hindi sila pinapatulan ng girlfriend ni Sam Milby.
Ang tanging nasabi na lang niya, “I’ve reached out to @rabiyamateo throughout her journey privately not everything is on display on social media (peace sign emoji).”
Anyway, ang ABS-CBN ang official partner ng 69th Miss Universe coronation night na gaganapin sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida at live telecast ito sa A2Z sa Mayo 17, 8 a.m. at may replay ng 10 p.m., with live stream sa Pilipinas thru iWantTFC.