Promise ni Pacquiao kay Jinkee: I will love you always and forever! Happy 22nd anniversary, Babe!

 

IBINANDERA muli ni Sen. Manny Pacquiao sa buong universe ang abot-langit niyang pagmamahal para sa asawang si Jinkee Pacquiao.

Nag-post ang Pambansang Kamao sa kanyang official Instagram account ng mensahe bilang pagbati sa 22nd wedding anniversary nila ni Jinkee kahapon na sumakto rin sa Mother’s Day.

Isang photo collage ang ibinahagi ng senador at boxing champ sa IG kalakip ang isang quote mula sa  Bible na sinundan nga ng message niya kay misis.

“Love never gives up, ever loses faith, is always hopeful, and endures through every circumstance. – 1 Corinthians 13:7,” ang caption ni Pacman.

Dagdag pa niyang mensahe, “Happy 22nd anniversary babe! On this special day, I thank God for every moment spent loving you.

“I don’t know where I’d be in life without you. With the guidance and grace of our Lord, we have proved that nothing is impossible.

“My career has reached heights because you are by my side.

“Words cannot express how much I adore you.

“I will love you always and forever. Happy 22nd anniversary, Babe!” ang pagbati pa ng senador sa kanyang butihing asawa.

Ipinost din ni Jinkee sa IG ang mga litrato nila ni Pacquiao at nilagtan ng caption na, “Happy 22nd wedding anniversary to us! Spending time together is, and always will be, my favorite thing!”

Kung matatandaan, ginanap ang simpleng civil wedding ceremony ng celebrity couple noong 1999 at biniyayaan ng limang anak — sina Jimuel, Michael, Princess, Queenie, at Israel.

Simula nang magkapandemya, pabalik-balik lang sina Manny at Jinkee sa Manila at General Santos City.

Read more...