Aicelle Santos pwede na uling panggigilan at halikan ang anak nang walang face mask

PWEDENG-PWEDE nang kargahin at panggigilan ng Kapuso actress-singer na si Aicelle Santos ang anak na si Baby Zandrine nang walang suot na face mask.

Tuwang-tuwang ibinalita ni Aicelle sa publiko na super happy ang celebration nila ng Mother’s Day kahapon dahil negative ang resulta ng kanyang swab test.

Kuwento niya, halos isang linggo rin siyang naka-face mask sa loob ng kanilang bahay habang hinihintay ang resulta ng COVID-19 test niya.

Kailangan daw niya itong gawin bilang pag-iingat na rin sa kanilang tahanan at masiguro na hindi mahahawa si Baby Zandrine at iba pa nilang kasama sa bahay.

Nag-post pa si Aicelle ng mga litrato nila ng anak sa Instagram pati ang kanyang swab test results.

“Every time i’d come home from work, i’d sleep beside her and feed her while wearing double masks the whole day for 6 days, until i test negative.

“And today’s that day! Masks off! Yay! Praise God! Pinupog ko ng halik ang aking anak! What a happy mother’s day gift,” aniya sa caption.

May mensahe rin ang Kapuso star sa lahat ng nanay nitong nagdaang Mother’s Day lalo na sa mga tulad niyang first-time mom, “Happy mother’s day sa lahat ng nanay! Salamat po. Saludo!”

Sa isang panayam, nagbigay din ng advice si Aicelle sa mga first time mommies, “Enjoy the moment kasi napakabilis ng panahon. Bihira lang silang baby na puwede mong amoy amoyin, na dependent lang sila sa inyo.

“Kasi kapag lumaki na ‘yan, hindi na magpapa-kiss ‘yan. Sarap kasi ng feeling na naalagaan mo sila and with breastfeeding you get to satisfy them and to hug them and to kiss them every day, every single second of the day. Enjoy the moment.”

“And Learn from your baby. I’m sure maraming advice from different moms and even your parents. Of course, you listen to your pediatrician. But learn from your baby kasi iba-iba naman ‘yung babies ‘di ba?” aniya pa.

Isinilang ni Aicelle ang panganay nila ni Mark Zambrano noong Dec. 5, 2020.

Read more...