Chito: Si Neri magiging mommy na ulit and again, ‘walaaang tulugaaan!!!’

ISINABAY ng celebrity couple na sina Neri Naig at Chito Miranda sa Mother’s Day celebration ang bonggang blessing na kanilang natanggap kamakailan.

Ibinandera ng Parokya ni Edgar frontman sa madlang pipol na buntis na uli ang kanyang asawa sa kanilang second baby.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Chito ang litrato nila ni Neri na kuha sa isang beach resort kung saan kitang-kita na ang baby bump ng aktres sa suot niyang swimsuit.

Aniya sa caption, “Happy Mothers’ Day!!!.Busog lang ako.” Na ang tinutukoy ay ang litrato niyang nakaliyad din at kita ang tiyan.

“Si Neri, magiging mommy na ulit….and again, ‘walaaaaang tulugaaaan!!!’

“Pero sa totoo, excited na excited na ko hehe! (yung feel na feel nila mag-kodakan, tapos nanggugulo ka sa likod),” mensahe pa ni Chito.

Sa IG page naman ni Neri makikita ang solo photo niya habang naglalakad sa dalampasigan at may maikling caption na, “Happy Mother’s Day. See you soon, our bunso.”

Siguradong tuwang-tuwa rin ngayon ang panganay nina Neri at Chito na si Alfonso III dahil magiging kuya na siya.

Last December, nag-celebrate ng kanilang 6th wedding anniversary ang mag-asawa kasabay ng pagse-share sa publiko ng kanilang rural life, sa bago nilang farm sa Alfonso, Cavite.

“Mas magiging healthy living talaga dahil magiging malaki na ang taniman ko ng mga gulay, at dito ko na rin kukunin mga vegetables na gagamitin ko sa pagtutuyo ko,” ayon kay Neri.

Read more...