NAGPALIWANAG ang bagong Kapamilya star na si Jake Ejercito tungkol sa pagkaka-link niya noon kina Bea Alonzo at Maine Mendoza.
Sa nakaraang mediacon ng ABS-CBN para sa upcoming series na “Marry Me Marry You” kung saan isa nga si Jake sa magbibida, natanong ang binatang ama kung saan nanggaling ang mga nasabing intriga.
Paliwanag ni Jake, wala raw talagang basehan ang lumabas na tsismis kaya medyo tinamaan daw siya ng hiya dahil wala naman itong katotohanan.
“Yung kay Bea actually, I just attended her birthday party as a plus one lang actually and dun ko lang na-meet si Bea. Ako kasi super fan ako ng ‘One More Chance.’
“Bea-John Lloyd (Cruz) super fan talaga ako. So when I met Bea parang na-capture ata siya and I posted it on my Instagram pero yun lang po yun. Nothing else,” pahayag ng aktor.
Tungkol naman kay Maine, naiintindihan naman daw niya kung bakit sila na-link noon dahil nagkasama nga sila sa ilang episode ng “Eat Bulaga” para sa Kalyeserye nina Maine at Alden Richards.
Samantala, kung siya ang tatanungin, mas gusto ni Jake na huwag munang magkaroon ng ka-loveteam para mas ma-explore niya ang mundo ng aktingan at para mas marami pa siyang makatrabaho.
“I just want to work with anyone that I would learn the craft of acting from. As of now I just want to focus on acting and take it really seriously.
“But if you ask me long-term naiisip ko pa rin once in a while why not produce shows in the future. But as of now my focus is on acting talaga and probably hosting kung mabibigyan ng opportunity ulit,” aniya pa.
Nang matanong kung sinu-sino ba sa mga local stars natin ang kanyang iniidolo, “There’s a lot to mention kasi pag sinabi mong ABS-CBN iba yung roster of talents.
“Growing up nandiyan sina John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Piolo Pascual, Coco Martin, they are the ones that I look up to,” sabi pa ni Jake.
Sa upcoming Kapamilya family series na “Marry Me, Marry You,” si Jake ang magiging ka-love triangle sa tandem nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.
“I’ll be playing Cedric. Si Cedric parang kababata siya ng character ni Paulo and at the same time VP siya sa company ni Paulo. He’s the right hand man and he’s also the sounding board.
“Kinakausap siya ni Paulo when it comes to yung mga personal problems and problems sa professional life.
“When I saw the list of mga kasama sa Marry Me, Marry You, na-check na lahat ng nasa list ko kasi makatrabaho.
“It’s all talented and brilliant actors and actresses na veterans and newbies like me. Talagang ibang klase eh yung mixture. Edu Manzano, Cherry Pie (Picache), Sunshine Dizon,” dagdag pang chika ng anak ni former President Erap Estrada.