Kinikilig si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa video message na ipinaabot sa kanya nina Popstar Sarah Geronimo at asawang si Matteo Guidicelli.
Sa Instagram post ng beauty queen, sinabi nito na “Someone is ‘kinikilig’ right now. Awww, my popster [heart emoji]. I love you @justsarahgph.”
Sa mensahe ni Sarah, nagko-congratulate na ng advance ang popstar kay Rabiya.
“Congratulations in advance. God bless you. May God grant you wisdom and courage as you represent our country in the Miss Universe 2021 pageant. We’re very proud of you. Whatever happens, do it for the glory of God,” pahayag ni Sarah.
Sinabi naman ni Matteo na kanyang ipinagdadasal si Rabiya.
“We wish you all the best. We’re praying for you, rooting for you. God bless you and thank you very much for representing the Philippines with all you can. Maraming salamat,” pahayag ni Matteo.
Si Rabiya ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe pagenat na gaganapin sa Florida sa Amerika sa Mayo 16 ng alas 8:00 ng gabi, oras sa Amerika o Mayo 17 ng alas 8:00 ng umaga, oras sa Pilipinas.