Hosting ng Pilipinas sa FIBA Asia Cup tuloy na

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force ang hirit ng Basketbol ng Pilipinas na makapag-host ng International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup na gaganapin sa buwan ng Hunyo ngayong taon sa Clark Pampanga.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, gagawin ito sa ilalim ng set-up na bubble type.

Kinakailangan din aniyang sumunod ang lahat ng kalahok sa health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Kasabay nito, sinabi ni Roque, na inaprubahan na rin ng IATF ang hirit ng Philippine Basketball Association na makapagsagawa ng practice ang kanilang mga manlalaro sa mga lugar na hindi masyadong mahigpit ang quarantine protocols.

Kinakailangan aniya nasa general community quarantine at modified general community quarantine ang mga lugar kung saan magpa-practice ang mga manlalaro.

Pinayagan na rin ng IATF ang horse-racing activity sa mga lugar na nasa modified enhanced quarantine pero walang naka-set up na audience.

Pinapayagan na rin ang off-tracking betting stations sa mga lugar na nasa GCQ at MGCQ.

Read more...