Hindi man binanggit ng aktres kung sino ang kanyang tinutukoy, marami ang nagsasabi na ito ay ang ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.
Ayon sa dalaga, “suki” na raw siya ng mga masasakit na kaganapan sa buhay ngunit mas pinipili niya lagi ang magpakatatag at tanggapin na wala talagang perpekto sa mundo at lahat ng tao ay nasasaktan.
Nakachikahan ng Kapamilya actor at VJ na si Edward Barber si Bea sa Kumu live nito kamakailan kung saan napag-usapan nga nila ang tungkol sa pagkabigo at pagpapatawad.
Nakasama si Edward sa pelikula nina Bea at Aga Muhlach na “First Love” na ipinalabas noong 2018.
Natanong ng ka-loveteam ni Maymay Entrata si Bea kung naranasan na nito ang masaktan, “Getting hurt, oo naman! So many times. I’m so good at it already. Naging suki na!”
Dagdag na paliwanag ng dalaga, “I think acting and this art form… it has become my escape. It has become my refuge.
“I feel like when I’m hurting, parang feeling ko mami-maintain ko lang ang sanity ko when I’m acting.
“A lot of those dramatic scenes came from my past, hurtful experiences. To be organic [in acting], it has to come from a very organic place in your heart,” sey pa ng aktres.
Sundot na tanong ni Edward, “Have you forgiven?” Tugon ni Bea, “I’m working on it, to be honest.
“Siyempre, every day is a new day. Every day brings different feelings, different news, different experiences,” dugtong niyang sagot.
Diin ni Bea, hindi raw basta-basta na lang nangyayari ang pagpapatawad, “When you feel like you’re already there, meron ka na naman… may bago kang maa-absorb. And then, lalayo ka na naman sa goal mo to forgive.”
“I’m working on it very hard, because I feel, like, for me to become a better person, which I’m aiming to become every day, I have to be able to pass that stage. So, I’m trying to hard,” aniya pa.
“But I cannot say I have forgiven fully, but lalo na kapag hinahanapan mo ng accountability.
“But then I realized, kahit hindi humingi ng tawad, dapat patawarin mo, di ba? But it’s easier said than done, to be honest,” pag-amin ng aktres.
Hindi man aminin ni Bea, marami ang nagkomento sa interview ni Edward sa dalaga na si Gerald Anderson nga ang tinutukoy nito na nakahiwalay niya noong 2019. Basta na lang daw kasi iniwan ng aktor si Bea nang walang paliwanag.
Hanggang ngayon daw kasi ay hindi pa rin inaamin ng aktor ang ginawa nitong panggo-ghosting sa kanya, “I think it was more of that and, until now, he’s not holding himself accountable.
“That’s what really gets me. He has not changed. Not a bit. He was only protecting himself. He’s selfish,” ang sabi ni Bea sa isa niyang panayam.
Ang plano raw talaga ni Bea ay mag-asawa sa edad na 25 pero iniurong niya ito sa 28 dahil nga hindi pa rin niya natatagpuan ang “the one.”
Aniya, sana raw pagsapit niya ng 32 ay makapag-asawa na siya pero 33 na siya ngayon, “Titigil na ‘ko. Hindi na ako magse-set ng goals.
“Feeling ko, I just have to honor, respect my journey. And I feel like I will get there eventually, but I just don’t know when. And I just don’t want to force things.”
Ngunit ipinagdiinan ng aktres na, “I’m in a much better place. I’m happy, I love myself now. Ngayon, nasasabi ko nang diretso. I have to learn that the hard way.”
Balitang idine-date niya ngayon ang hunk actor na si Dominic Roque.