HINDI pa rin pinababayaan ng Kapamilya comedian at TV host na si Ryan Bang ang kanyang nanay na nasa sa Korea.
Sa kabila ng hirap at sakripisyo na pinagdaraanan ngayon ni Ryan dito sa Pilipinas sa panahon ng pandemya ay never niyang pinabayaan ang ina na malayo sa piling niya.
Kuwento ng komedyante sa isang panayam, tuloy pa rin ang pagbibigay niya ng sustento sa kanyang nanay sa Korea.
Kahit na nga raw medyo nabawasan ang raket niya ay hindi niya nakakalimutang magdeposito ng pera sa pinakamamahal na ina.
Sey ng “It’s Showtime” host, “Hindi na mahalaga yung amount, alam din naman ng nanay ko sa Korea na siyempre, lahat naman tayo may pinagdadaanan.
“Kaya yung mommy ko minsan, kung kailangan niya ng pera, hindi naman humihingi sa akin.
“Kaya lang tumatawag sa akin, ‘Anak, nade-depress ako. Mag-isa lang ako dito. Nalulungkot ako. Parang wala na akong pang-ulam.’
“Ibig sabihin, alam na. Alam na ng anak. Ibig sabihin, kailangan ng gamot ng nanay. Ang gamot ng nanay ko ay deposit,” paliwanag ni Ryan.
Sa tanong kung may mga mommy issues din ba siya, “Yung tunay na mommy ko sa Korea, single din siya, single mom. Nu’ng meron na siyang boyfriend, nahirapan ako magtanggap. Kasi parang, ‘Mommy, may boyfriend ka na, tapos paano yung daddy?’
“But at the end of the day, naintindihan ko siya kasi mabait pa rin yung nanay ko. Kailangan pa rin may lambing, hindi lang ng anak, yung lambing ng ano…pag-ibig, kasi babae pa rin yung puso niya. So, naiintindihan ko tanggap ko na,” sabi pa ng Koreanong aktor.
* * *
Siguradong matutuwa ang mga Pinoy fans ng tatlong sikat na Thai actors dahil sa bagong proyektong pagsasamahan nila.
Magsasanib-pwersa sina Nonkul Chanon (Bad Genius), Gulf Kanawut (TharnType: The Series) at Thai superstar Mario Maurer (Love of Siam, Crazy Little Thing Called Love, Pee Mak) bilang latest ambassadors ng TNT.
The trio will headline the brand’s “Kilig Saya” campaign with the Philippines very own Sue Ramirez and Popstar Royalty Sarah Geronimo.
“Filipinos and Thais have always had mutual appreciation for each other’s wealth of entertainment content, but we’ve seen this grow even bigger recently as more Filipinos enjoy easy access to streaming platforms and social media,” ang sabi ni Jane Basas, SVP and Head of Consumer Wireless Business ng Smart.
Since 2007, Thai dramas and films have dominated the Southeast Asian scene almost to the same level as K-Pop and Japanese cultures. There are even Thai idols now making waves as K-Pop performers globally.
Si Nonkul Chanon ay nakilala sa pelikulang “Bad Genius,” na naging highest-grossing Thai film of 2017. Overseas, it broke Thai film earning records in several Asian countries, making it one of the most internationally successful Thai films ever.
Sumikat naman si Gulf Kanawut sa highly successful “TharnType The Series, na adaptation ng popular Thai web novel. With Gulf’s growing popularity, he has appeared in various magazine covers in Thailand as well as performed in solo concerts.
But of all Thai celebrities, it is Mario Maurer who is perhaps considered as the most popular Thai actor with a massive fan base not just in the Philippines but across Southeast Asia.
He is best known for his lead roles in the 2007 film “Love of Siam” and the 2010 sleeper hit “Crazy Little Thing Called Love”. He is also the lead star of Thailand’s highest grossing film of all time, “Pee Mak,” which grossed over U$33 million in both domestic and international box office receipts.