Vice pinagtripan ang mga kasambahay sa ‘tunog-lata’ challenge; ‘nabudol’ ng P10k

AFTER pagtripan ang kanyang dyowang si Ion Perez, ang mga kasambahay naman niya ang pinaglaruan ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda sa kanyang latest YouTube channel video.

“Hulaan mo kung alin diyan sa tatlong iyan ang may laman at tutunog. Unang try, kapag nahulaan mo, P5,000.

“Kapag hindi may another try. Kapag nahulaan mo sa pangalawang try, P2,000. Pag hindi may pangatlo pa, P1,000 na lang,” say ni Vice Ganda sa kanyang kasambahay na si Jacque.

Sa unang round pa lang ay na-lost na ang beauty ni Jacque nang pinili niya ang number 1 na lata. At dahil talo, pinawisikan ni Vice ang mukha nito at idinikit sa harina ang face.

Wagi naman siya siya sa second round kung saan pinili niya ang third na lata.

Second contestant naman ang kasambahay niyang si Vangie. Lost siya sa first round palang dahil ang tumunog ay ang number two na lata. Winisikan niya ang kanyang mukha at idinikit sa harina. Sa huli ay nahulaan niya kung anong lata ang tutunog kaya wagi siya ng P1,000.

Ang tandem nina Lanz at Chris ang sumunod na naglaro. Latang number three ang pinili ni Chris at lost agad ang beauty nila kasi number two ang tumunog na lata.  At dahil diyan nagwisik ng tubig at itinapat sa harina ang mukha ng dalawa. Sa second round, wagi na ang dalawa dahil tama ang hula nila. They won P2,000. Sa next round, wagi ang dalawa ng additional P4,000.

Sa huling round, may additional P10,000 na ibibigay si Vice Ganda. Lost na naman ang beauty nila.

Pero sinabi ni Lanz na may napansin siya kay Vice Ganda. Kapag walang laman ‘yung lata ay ‘yung left na kamay ang ginagamit niya. Ayun, nabuking na ang vakla.

In fairness, give pa rin naman niya ang P10,000 sa mga kasambahay.

* * *

Katuwa ang Handcuff Challenge nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes na napanood namin sa YouTube.

Napagkatuwaan na bigyan sila ng challenge na ginanap sa set ng “Huwag Kang Mangamba” kung saan pinosasan sila para sabay nilang mahanap kung saan itinago ang isang susi.

Magkasama sina Francine Diaz at Kyle Echarri sa pagtatago ng susi.

Kung saan-saan naghanap ang dalawa. Nariyang hanapin nila ito sa mga halaman at maging sa basurahan.

Pati si Kyle Echarri ay pilit nilang pinapaamin kung saan nakatago ang susi. Actually, it was him na nagtago ng susi sa taas ng ceiling fan.

Nagbigay ng napakaraming clue kina Seth at Blythe pero hindi pa rin nila ito makuha.

Hanggang sa nakarating silang dalawa sa ceiling fan at tinangka pang hawakan ni Seth ito nang talunin niya ito.

Pero nilagpasan lang nila ito hanggang sa may nagsabi na hawak-kamay na nila ito kanina.

Inamin ni Kyle na walang makakapaglagay ng susi kundi siya.  Sabi ni Andrea, eh di, dapat nasa mataas dahil matangkad nga si Kyle.

Doon na naisip ng dalawa ang ceiling fan. Tinalon ito ni Seth at doon nga nila nakita ang susi.

Na-enjoy naman ng mga bida ng “Huwag Kang Mangamba” ang challenge na ibinigay sa kanila.

Read more...