Sigaw ni Andrea Torres: May himala! Bandera

Sigaw ni Andrea Torres: May himala!

Ervin Santiago |May 05,2021
share this

Sigaw ni Andrea Torres: May himala!

Ervin Santiago | May 05,2021 - 09:18 AM

SUNUD-SUNOD ang mga “miracle” na natatanggap ngayon ng Kapuso actress na si Andrea Torres.

Ibinandera ng dalaga ang pag-ulan ng blessings sa kanyang buhay ngayon sa pamamagitan ng isang mahabang mensahe na ipinost niya sa Instagram.

Ito’y bilang bahagi na rin ng pagse-celebrate niya ng kanyang 31st birthday kahapon, May 4. Dito nga niya pinasalamatan ang lahat ng mga nagmamahal at patuloy na sumusuporta sa kanya.

“THANK YOU. Thank you, Lord… For reminding me of how much You love me. So many times I literally felt time stop, my jaw drop, in amazement.

“The most number of prayers answered. Miracles unfolding one after the other. I cannot praise You enough,” ang caption ni Andrea sa kanyang IG post.

Patuloy pa niyang chika, “Thank you, family and friends (who feel like family ) You have given me so much of your time, effort, and care. I am surrounded by angels. Thank you to each and every one of you. You’re all a big part of this.”

Ipinagdarasal din daw niya na sana’y maranasan din ng lahat tao sa mundo ang kaligayahan na nararamdaman niya ngayon.

“Everyday I make a list of the things I am grateful for and safe to say… I am bursting ️ I’ll bring all of this with me.

“Wishing good health, protection, strength, and happiness for all of us Looking at the future bright-eyed and eager,” mensahe pa ni Andrea.

Malapit nang mapanood ang dalaga sa upcoming GMA Telebabad cultural drama series na “Legal Wives” kung saan gagampanan niya ang karakter ni Diane na mai-in love sa isang Maranaw na bibigyang-buhay naman ni Dennis Trillo.

Isa si Andrea sa tatlong babaeng magiging asawa ni Dennis, ang dalawa pa ay gagampanan naman nina Bianca Umali at Alice Dixson.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending