INALALA ng Kapamilya actress na si Nikki Valdez ang mga pagsubok na kanyang pinagdaanan noong panahong nawala siya ng dalawang taon sa showbiz.
Abot-langit ang pasasalamat ni Nikki sa ABS-CBN na siya umanong tumulong sa kanya para mapag-aral ang anak na si Olivia na nakatapos na ngayon ng grade school.
Sa kanyang Instagram account, naikuwento ng aktres kung gaano kahirap ang maging solo parent at yung panahong balak na niyang bumalik sa showbiz makalipas ang dalawang taong pagkawala sa limelight.
“I was then already a solo parent with zero confidence and just enough money in my bank account as I was starting my acting career again after a 2-year hiatus from showbiz,” simulang pagbabahagi ni Nikki.
Aniya pa, “I sat down (together with my Mom) in front of a small grotto inside the school grounds and asked, ‘Kakayanin ko po ba ito?’”
Napa-throwback din ang aktres sa naging journey niya bilang artista kasabay ng kanyang 24th anniversary sa showbiz.
“I cannot help but look back to all of those days when I thought I could not support you on my own.
“Lord and Mama Mary, You both have been so good. You gave me strength as I put my faith in You and gave me so many good people to help and provide,” ani Nikki.
Nabanggit din niya ang yumaong direktor na si Wenn Deramas at si Lauren Dyogi, head ng ABS-CBN TV production, na siyang nagbigay uli sa kanya ng chance na umakting uli para buhayin ang kanyang pamilya.
“Nu’ng nabubuhay pa si Direk Wenn Deramas and he found out na nasa Pilipinas na ako for good, tinawagan niya ako agad to tell me isasama niya ako sa show niya and Direk Lauren Dyogi thank you too.
“I will never forget your phone call assuring me that I will have work so I can sustain my daughter,” sabi pa ni Nikki sa kanyang IG post.
Nagpasalamat din siya sa asawang si Luis Garcia, “Thank you for being a good provider, math tutor, my partner and Dada in raising Olivia. You are our God’s BEST my love. Maraming maraming salamat.”
Huling napanood si Nikki sa katatapos lang na Kapamilya afternoon series na “Bagong Umaga.”