Sunshine: Lahat ng may kanegahan sa katawan, alisin na kasi nakakachaka ‘yan!

BAGO pa man lisanin ni Sunshine Dizon ang GMA 7 ay nanindigan na siya para sa ABS-CBN lalo na noong kasagsagan ng issue sa pagpapasara sa TV network.

Isa si Sunshine sa iilang Kapuso stars na matapang na naglabas ng kanilang saloobin laban sa pagpapatigil sa operasyon ng ABS-CBN na nagresulta nga sa pagkawala ng trabaho ng libu-libong empleyado.

Sa ginanap na virtual mediacon para sa paglipat ni Sunshine sa Kapamilya network, nagpaliwanag siya kung bakit ipinagtanggol niya noon ang ABS-CBN sa kabila ng pagiging Kapuso.

“It’s a very small industry. Sa totoo lang, kung puwede lang na wala na sanang barriers, at i-unite na natin ‘yung buong industry… If that is possible, bakit hindi?

“At that time, I just really felt bad and I felt so down na there are thousands of people na nawalan ng trabaho, tapos ngayon pang pandemic,” pahayag ng aktres.

Ngayong araw, isang taon nang walang prangkisa ang network ngunit sa kabila nito patuloy pa ring nagbibigay-serbisyo ang istasyon sa sambayanang Filipino sa pamamagitan ng iba’t ibang platforms.

Sabi pa ni Sunshine, “I took a stand and that’s what I believed, and still believe. If you cannot relate to that or sympathize with that, there must be something wrong with you.

Matinding pamba-bash din ang natikman ni Sunshine mula noong sumuporta siya sa ABS-CBN franchise crisis at marami rin ang nangnenega sa kanya matapos iwan ang GMA.

“Ang tagal ko na in the industry to know that we really cannot please everyone. I just hope na ‘yung mga taong may negativity pa sa katawan, alisin na nila, kasi nakakachaka ‘yan!” aniya.

Dugtong pa niyang sabi, “I think it’s easier to just be grateful and happy for others. For our mental health, huwag na lang natin pansinin ‘yung mga nagne-nega-nega pa.

“Basta ako, I’m very happy right now that I’m still able to work, and on top of that, it’s a very good project,” sey pa ni Shine na makakasama nga sa bagong Kapamilya series na “Marry Me Marry You” with Jake Ejercito, Janine Gutierrez and Paulo Avelino.

Read more...