Bernadette may hinala kung bakit nahawa ng COVID-19; nakagawa uli ng bagong kanta

BUKAS pa mapapanood si Bernadette Sembrano-Aguinaldo sa “TV Patrol”.

Ang akala kasi namin ay nitong Lunes na siya babalik sa pagbabalita dahil COVID-19 free nas siya matapos sumailalim sa 14-day quarantine.

Aniya, “Para sabay-sabay na tapos ng quarantine (Kabayang Noli de Castro at Henry Omaga-Diaz). 14 days quarantine na-expose sa COVID patient eh.”

Hanggang ngayon ay hindi lubos maisip ng “TV Patrol” anchor kung paano siya nagpositibo sa COVID-19 gayung napakaingat niya.

“Actually, it’s more like the only place I take off my mask publicly is at work. Kaya ‘yan ang hinala ko. Lessons learned, even if you are alone in an air-conditioned room never remove your mask pa rin.

“Buti our producers are pro active. Al fresco na ang Patrol (wala na sila sa loob ng studio) nasa open air malapit sa Dolphy Theater.

“Anywhere na poor ventilation, never remove your mask. Our make-up artists are all negative kasi naka-mask palagi.

“Ang pasalamat ko lang I don’t go near Kabayan and always naka-mask ako pag may ibang tao and malayo but ang mistake ko is removing my mask when I am alone in the make-up room and dressing room never talaga ever,” mahabang kuwento ni Badette (tawag namin sa kanya).

Kaya naman sa labas na rin sila nagpapa-make-up, “Dami ng cases everywhere. It’s safe to assume that people are walking carriers. I Just got tested that’s why I found out but I had no symptoms the whole duration ng isolation.

“10 days lang ang quarantine if you tested positive and showed know symptoms with last three days na walang symptoms dapat,” aniya pa.

Plano na sanang magpa-schedule ng COVID-19 vaccine si Bernadette bago pa siya magpositibo, “How ironic that I was scheduling to get vaccinated then got the news na positive ako. I will ask doctor for that (kung kailan siya puwedeng magpabakuna na).”

Samantala, nakagawa na naman ng kanta si Bernadette na may titulong “Yakap” na alay niya sa mga kababayang Pinoy ngayong panahon ng pandemya at lockdown.

Ang ABS-CBN Music creative director na si Jonathan Manalo ang nagtulak kay Bernadette na gumawa ng kanta tungkol sa “Yakap,” na naging dahilan para maisulat niya ito.

Bukod sa lyrics, siya na rin ang nagsulat ng musika kaya naman ito ang kauna-unahang kanta na siya ang nag-compose nang buo na ipinrodyus naman ni Jonathan.

Aniya, “Parang naging note to self siya. ‘Yung intensyon ng kanta ay mag-comfort ng iba pero ngayon na nakakaranas ako mismo ng anxiety, na-remind ako na alalahanin ang good times at ngumiti dahil magiging okay din ang lahat.”

Noong 2020 ay lumabas ang kanta ni Bernadette na “Ang Sa Iyo Ay Akin” in collaboration with Jonathan at naging soundtrack ng teleseryeng pareho ang titulo.

Pakinggan ang bagong single ni Bernadette na “Yakap” sa iba’t ibang digital music streaming platforms.

Read more...