Anak ni Candy pinagbawalang um-attend ng graduation: Naiyak ako sa principal, Nagmakaawa ako... | Bandera

Anak ni Candy pinagbawalang um-attend ng graduation: Naiyak ako sa principal, Nagmakaawa ako…

Ervin Santiago - May 04, 2021 - 11:47 AM

MARAMING netizens, kabilang na ang mga nanay ang nakiiyak kay Candy Pangilinan habang ikinukuwento ang mga pinagdaanan niya bilang single mother sa kanyang anak na may special needs.

Emosyonal ang bahagi ng panayam ni Toni Gonzaga sa komedyana sa kanyang vlog nang mapag-usapan ang mga sakripisyo at pakikipaglaban sa mga challenges sa pagpapalaki kay Quentin.

Ayon kay Candy, hindi talaga naging madali ang buhayin mag-isa ang kanyang anak, “Actually ‘yung rejection, marami kasi eh. Sobra, ang dami. ‘Yun ang pinakamasakit for a mother. Kasi sa kanya wala lang, eh.

“‘Yung a-attend ka ng party walang naglalaro sa anak mo. So si Quentin, umabot sa ‘pag alam niyang aattend ng party, nagdadala ng sariling laruan. Siguro alam niyang walang maglalaro sa kanya.

“Tapos dahil single mom ako, I had experienced also na ‘yung sa school, hindi ako tinatanggap kasi single mom,” maluha-luhang pahayag ni Candy.

Hinding-hindi rin daw niya makakalimutan ang araw na hindi pinayagan ng school principal si Quentin na mag-attend sa kanilang graduation ceremony dahil baka raw magkaroon pa ng problema sa event.

“Naiyak ako sa principal. Nagmakaawa ako. Pero ayaw pumayag. Nu’ng pauwi na kami, ito na si Quentin, nu’ng time na ‘yun hindi pa magaling magsalita. Sabi niya, ‘What’s wrong?’ Sabi ko, ‘Nothing.’

“Tapos sabi ko sa kanya, ‘Quentin, do you want to go back there later? Practice tayo ng going up and down the stage for your graduation.’  Hinawakan niya ‘yung kamay ko, sabi niya, ‘No, Ma. I’m good. I’m okay.’ Lalo ako naiyak. Kasi parang sinabi sa akin ng anak ko, ‘Hindi na, Ma. Okay lang. Okay na tayo,'” pag-alala pa ng komedyana.

“Sa awa ko, kinaibigan ko ‘yung barangay captain namin. ‘Di ba gumagawa ako ng events, so meron akong red carpet. Gumawa ako ng sariling graduation sa plaza.

“Kami-kami lang. Nag-invite ako ng mga taga-church, tagapalakpak. Gumraduate siya sa plaza namin,” kuwento pa ni Candy.

“Ang tingin ko, all parents, all mothers, who go through that, siguro gagawa rin sila ng paraan to rise above it. Because I think all mothers want the best for their kids,” paliwanag pa ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Quentin ay anak ni Candy sa dati niyang asawang si Gilbert Alvarado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending