NAKALABAS na ng ospital ang celebrity stylist at makeup artist na si Fanny Serrano matapos ang ilang linggong pagkaka-confine.
Nakaranas ng “massive stroke” si Fanny noong March 16 at simula nga noon ay nanatili na siya sa ospital para sa kaukulang gamutan.
At kahapon nga, ibinalita ni Megastar Sharon Cuneta na nasa bahay na ngayon ang kanyang kaibigan at doon na itutuloy ang pagpapagaling at recovery period.
Sa kanyang Instagram ibinahagi ng singer-actress ang magandang balita, “Thank you so much, everyone for all your prayers! I am happy to tell you that.
“TF is now home, recuperating and on his way to a happy 100 more years! God still performs miracles in the present day. Praise Him!” aniya pa.
Parang tunay na kapamilya na ang turing ni Sharon sa sikat na make-up artist. Mahigit 30 years na ang kanilang pagkakaibigan.
“Kasi halos everyday kami magkasama niyan and talagang sabi ko, ano man ang sabihin mo, hindi ko matatawaran ang pagmamahal at loyalty ni TF (Tita Fanny) sa akin,” ang sabi ni Sharon noon sa isang panayam.
Kung matatandaan, si Sharon din ang nagbalita sa publiko ng pagkaka-stroke ni Fanny at siya rin ang nagbibigay ng medical update sa kundisyon nito para sa mga nagmamahal at sumusuporta sa celebrity stylist.
Isa na nga riyan ang emosyonal na IG post ni Mega kung saan sinabi nitong naka-life support na ang kaibigan para tulungang makahinga.
“I do not know what to do with myself…TF, I promised you years ago that I would take care of you until the end… I think I have kept that promise.
“But this is not the end I want for you…I know it is all God’s call and His decision, but I wish you weren’t in this situation,” mensahe ni Sharon.
Matatandaan ding kinastigo ng award-winning TV host-actress ang nagpakalat ng fake news sa social media na namatay na raw si Fanny Serrano.
“This is circulating now. It is fake news. May malay daw si TF today so I called him and the nice nurse put me on speaker kaya nakausap ko sya kahit di sya makasagot.
“Please help us spread the word that he is still with us. Buhay pa sya. And to those who have nothing better to do, this is not the time to be a**holes okay? Sorry pero ang sasama nyo!” ang matapang na pahayag ni Shawie.
Kasunod nito, agad namang nag-sorry ang taong nag-repost sa socmed ng fake news at humingi rin ng tawad kay Sharon.
“It was a big big mistake. I deleted my post right away. Mali po ang nagbalita rin sa akin sa group chat namin and binawi nya po ito agad I am so sorry,” ani Esmael Lopena, isang konsehal sa Calumpit, Bulacan.