Donny Pangilinan, Belle Mariano natural ang pagpapakilig; bibida sa ‘He’s Into Her’

SANA nga’y magtagumpay din ang bagong seryeng “He’s Into Her” na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan, tulad ng mga hit youth-oriented show noon na “GIMIK” at “TGIS”.

Ito’y mula sa ABS-CBN Entertainment, iWantTFC at Star Cinema at mapapanood sa A2Z at Kapamilya channel simula sa Mayo 30.

“DonBelle” ang tawag sa loveteam nina Donny at Belle at base sa aura ng dalawa ay bagay naman sila kahit five years older ang binatang anak nina Anthony Pangilinan at Maricel Laxa ay hindi naman halata.

Maliit si Belle kapag itinabi kay Donny kaya natanong ang aktor kung ang aktres ang cutest na naka-partner niya.

“Yeah, I guess. Cute naman height mo, di ba Belle? Cute naman height niya, 4’2,” tumawang sagot ng binata.

Gaano kahirap magpakilig ang DonBelle considering masyadong maliit ang dalaga. Ano ang advantage at disadvantage?

“May apple box po (tuntungan),” sagot kaagad n Donny na sinang-ayunan naman ni Belle.

Sabi pa ng aktres, “Nakakangalay po sa leeg kapag nakatingala ka kay Donny, ‘so ‘yun po ‘yung disadvantage, pero madali lang naman po magpakilig.”

Madali ba kay Donny? “Madali lang kasi mas nakakatawa nga kasi si Max (karakter ni Belle) dito ang lakas niya, mananapak siya ng tao tapos ako ang tangkad ko and it works better for the kilig kasi nga girl, may cute-height. Mag-stand up ng ganu’n kaya nakakakilig.”

Natanong din kung paano napapataas ng dalawa ang kilig-meter ng fans nila, “I think the scene we talk abou it. You have to really feel the scene,” saad ni Donny.

“It has to be natural po para maging effective at para mag-reflect ‘yung emotions namin sa viewers,” sagot naman ni Belle.

Ideal girl ba si Belle for Donny? “In terms of like everything in shooting where we work just everything needed I feel like, si Belle si Max so, yes ideal girl si Belle.”

At si Belle, ideal ba para sa kanya si Donny? “Yeah, tulad din ng sinabi ni Donny, ideal guy siya kasi kapag nakilala mo siya you’ll know na he’s a gentleman, very caring and supportive of what you do.”

Anyway, ang “He’s Into Her” ay hango sa kilalang Precious Pages-LIB na nobela na sinulat ng sikat na Pinoy author na si Maxinejiji, ipinapakita rito kung paano ipaglaban nang buong tapang ang pamilya, kaibigan, at pag-ibig.

Ito ang kwento ng probinsyanang si Maxpein (Belle), na papayag sa pakiusap ng ama na tumira kasama niya sa Manila, bilang pagtanaw ng utang ng loob dahil tinulungan nitong ipagamot ang lola.

Lakas-loob na haharapin ni Maxpein ang bagong buhay sa siyudad, kasama ang pag-aaral sa Benison International School.

Susubukan ng baguhang estudyante na makibagay dito ngunit dahil sa kanyang malakas na dating, makakahanap ito ng katapat sa pagkatao ni Mr. Popular na si Deib Lohr (Donny). Dahil dito, ang tahimik niyang buhay ay biglang gugulo.

Pero habang patindi nang patindi ang panggugulo ni Deib kay Max, unti-unti itong magkakagusto sa dalaga.

Makakasama nina Belle at Donny sa “He’s into Her” ang ilan pang rising stars ngayon tulad nina Jeremiah Lisbo, Vivoree Esclito, Kaori Oinuma, Rhys Eugenio, Joao Constancia, Criza Taa, Ashley del Mundo, Gello Marquez, at iba pa.

Mula sa direksyon ng bago at batang director na si Chad Vidanes, mapapanood ang “He’s into Her” sa iWantTFC sa Mayo 28, dalawang araw bago ito ipalabas sa Mayo 30  sa Kapamilya Channel, A2Z at sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

Read more...