Alice Dixson at Baby A, quarantine pagkadating ng Pinas

Dumating na si Alice Dixson ng Pilipinas nitong Sabado ng madaling araw galing Canada kung saan sinundo niya ang kanyang baby at dumiretso sila Ascott Hotel sa BGC, Taguig City para sa quarantine.

Pinost ni Alice ang video na nasa eroplano siya habang karga ang anak, “Touchdown Philippines.”

Sinundo sina Alice at baby niya ng service ng Ascott Hotel, “Sinundo kami para sa aming quarantine. Pinili ko to (hotel) para malapit kami sa doctor ni Baby A.”

Bago nakapasok ng hotel ay tsinek ang temperature ng aktres at sinalubong naman siya sa may elevator ng staff na naka PPE at taga-IATF na binilinan si Alice na kapag may kailangan ay magsabi lang.

“Lagi ka nandito? 24 hours? Lagot may bantay,” natawang sabi ni Alice.

Dagdag sabi pa ng taga-IATF, “ma’am once nakapasok ka sa room, bawal ka nang lumabas tapos bawal po maglabas ng anything galing inside. Okay lang po may magpadala ng gamit lalo na importante i-consider po natin ‘yun.”

Panay naman sabi ng ‘okay’ ni Alice at nabanggit niyang pagod sila sa flight dahil mahaba ang biyahe nila ng anak na magda-dalawang buwang gulang palang.

Sa floor kung saan matatagpuan ang kuwarto nina Alice at Baby A ay wala siyang kapitbahay base sa kuwento ng hotel staff.

Sa isang suite room naka-billet ang mag-ina, “Oh wow, welcome home baby. Oh there’s a washer/dryer, very nice. Maglalaba ako mamaya.”

At nagulat ang first time mom sa nakita sa loob ng kuwarto niya, “ha! look baby, you have a crib, that’s so nice would be able to use that for sure and the bath tub, thank you, kailangan ko talaga ito after a long flight I want to relax.”

Tuwang-tuwa rin na nakita ni Alice ang larawan niya kasama ang kanyang Labrador fur baby na naka-frame.

“So sweet, who take this? Last time nag-stay ako sa Ascott kasama ko si Blondie (fur baby) pero hindi rito sa BGC, sa Makati pero naalala pa rin nila (paw stuff), thank you Ascott it’s so nice, I love it (sabay pakita sa camera ang frame). Maybe pag tapos na ‘yung quarantine ko makadalaw si Blondie dito,” saad ni Alice.

Tsinek din ni Alice ang view ng kuwarto nila ni Baby A at nakita niya ang nagtataasang building.

“Baby A just checking our bedroom, oh, there’s an extra bedroom, will put our stuff on the extra bedroom. Too bad we can’t have friends over, were quarantine. So I keep you posted on my daily living here in Ascott and what is like to be in quarantine. Okay baby is crying gotta go!” pagtatapos ng aktres.

Hindi ipinakita ni Alice ang mukha ni Baby A pero base sa buhok nito na kulay brown at maputi kaya obviously tisay si bagets.

Read more...