SB19, BTS, Blackpink, Ariana Grande maglalaban sa ‘Top Social Artist’ Billboard Music Awards 2021

SB19 lang ang “Sakalam”!

Yan ang sigaw ng milyun-milyong supporters ng award-winning P-Pop boy group matapos bumandera ang isa na naman nilang bonggang achievement.

Gumawa na naman kasi ng history ang SB19 nang i-announce ang nomination ng grupo para sa Top Social Artist at the Billboard Music Awards (BBMA) 2021.

Sila ang kauna-unahang Filipino act na na-nominate sa BBMA, kung saan makakalaban nila ang sikat na sikat ding K-Pop superstars na BTS at Blackpink.

Ang listahan ng mga finalists sa nasabing kategorya ay inihayag kagabi via livestream ng Filipino-American social media star na si Bretman Rock.

Nakasali ang SB19 sa fan-voted category, kung saan makakalaban nga niya ang US hitmaker na si Ariana Grande, ang BTS, Blackpink, at Seventeen mula sa South Korea.

Sa official Twitter page ng SB19 na kinabibilangan nina Josh, Pablo, Stell, Ken at Justin, ay ipinost din ang bonggang good news. Narito ang kanilang tweet.

“WE MADE IT, A’TIN!

“We are nominated for Top Social Artist of this year’s Billboard Music Awards!

“We are so grateful for your love and support. We wouldn’t have come this far without all of you. A’TIN ‘TO!

“Iwawagayway ang WATAWAT!”

Ang pagpili ng mga finalists sa nasabing kategorya ay ibinase sa “major fan interactions, like music streaming and social engagement, as well as worldwide voting.”

Ang 2021 BBMA ay mapapanood via live stream mula sa Microsoft Theater sa Los Angeles, USA, sa darating May 23.

Mula 2011 hanggang 2016, ang Canadian superstar na si Justin Bieber ang nakakuha ng nasabing award habang ang BTS naman ang  nakapag-uwi ng titulo mula 2017 hanggang 2020.

Read more...