Bong muling tinanggap ng GMA sa kabila ng pinagdaanang iskandalo; Sanya palaban na, wais pa

LOYAL Kapuso ang tawag ni Sen. Bong Revilla sa kanyang sarili kaya naman grabe ang kaligayahang naramdaman niya nang muli siyang tanggapin ng Kapuso Network.

Sa kabila raw kasi ng mga pagsubok na hinarap niya sa buhay nitong mga nakaraang taon ay binigyan muli siya ng GMA ng isang napakagandang ptoyekto, ito ngang fantasy-action series na “Agimat Ng Agila.”

“Unang-una I’m very happy to be back on GMA television, dito sa aking first love.

“‘Yung passion ko nandito, aside from public service. Malaki ang pasasalamat ko sa GMA sa tiwala na ibinigay sa akin.

“Despite sa challenges na nangyari sa buhay ko, nandiyan sila at hindi nila ako pinabayaan,” pahayag ng actor-politician sa nakaraang virtual presscon ng weekly series na “Agimat ng Agila.”

Chika pa ng senador, “From the very beginning, GMA naman ako talaga, so hanggang ngayon Kapuso pa rin ako. We made sure na ‘yung hinahanap ng ating mga viewers ay mapapanood nila dito sa Agimat ng Agila.”

Aminado naman ang aktor na talagang naging challenging ang pagsabak nila sa lock-in taping, “Pinaka-challenging dito ‘yung nagti-taping kayo na hindi mo alam kung ano ‘yung mga mangyayari sa ‘yo dahil sa pandemic.

“Kahit na nga kasagsagan ng COVID-19, pero kasi kailangan magtrabaho pa rin ‘yung mga tao, hindi pwedeng hindi na lang tayo gagalaw.

“Kailangan din natin makatulong sa mga kapatid natin sa industriya. Kailangan makapagbigay tayo ng trabaho at makapagpasaya tayo ng mga tao,” kuwento ng veteran actor.

Aniya pa, “Ang pinaka-challenge talaga rito is makagawa tayo ng magandang proyekto at makauwi tayo ng bahay ng buhay lahat.

“Nagawa naman namin ‘yun at nakagawa kami ng isang magandang proyekto na maipagmamalaki natin lahat,” sey pa ni Bong na gaganap sa serye bilang si Major Gabriel Labrador.

Anu-ano ang mga nagustuhan niya sa kanyang karakter sa kanilang serye, “Bilang isang forest ranger, ‘yung pagmamahal niya sa kalikasan, sa pamilya, at ‘yung Filipino core values nandito.

“‘Yung pagiging mabuting kaibigan. Mapagmahal ka, matatag ka, matapang ka, pagkalinga sa pamilya.

“‘Yung pinakamahalaga na hindi natin dapat mawala ay ‘yung pagmamahal natin sa kalikasan na hindi natin dapat makalimutan,” dagdag pang chika ng senador.

Magsisimula na sa May 1 ang “Agimat Ng Agila” sa GMA 7. Makakatambal dito ni Sen. Bong si Sanya Lopez.

* * *

Speaking of Sanya, malapit daw sa kanyang puso ang karakter niya  bilang si Maya sa “Agimat ng Agila” dahil sa pagmamahal niya sa kalikasan.

“Before ko pa po gawin ang Agimat ng Agila, mapagmahal na po talaga ako sa nature.

“Bata pa lang ako kasi tinulungan na ako ng mga magulang ko kung paano talaga maging isa sa mga mabubuting ehemplo dito sa atin, na talagang sa simpleng pagtatapon ng basura malaking tulong na talaga.

“Bata pa lang ako dala-dala ko ‘yun, na dapat talaga nating ingatan ‘yung nature natin,” aniya pa.

Palaban at walang inuurungan si Maya sa kuwento ng “Agimat ng Agila” na mai-in love sa karakter ni Bong na si Major Gabriel Labrador.

“Pinakaina-admire ko sa role ko bilang Maya siguro ‘yung pagiging independent niya na kaya niyang mabuhay at tumayo sa sarili niyang mga paa na hindi niya inaasa sa iba.

“Nandoon din ‘yung pagiging mapagmahal niya sa Nanay Berta [(Elizabeth Oropesa) niya. Lahat gagawin niya alangalang sa Nanay Berta niya.

“Ipaglalaban niya rin ‘yung mga taong mahal niyal. Isa na doon of course is si Sen. Bong, si Gabriel,” aniya pa.

Read more...