Paulit-ulit ang pasasalamat ni Keempee kay Lord dahil binigyan pa siya ng chance na ma-enjoy ang buhay kasama ang kanyang pamilya.
Sa Instagram, nag-post ng mensahe ang aktor matapos ngang magtagumpay sa paglaban sa killer virus na nakuha niya sa lock-in taping ng Kapamilya series na “Bagong Umaga” na magtatapos na ngayong araw.
“Thank you Heavenly Abba Father My Lord God and Savior Jesus Christ for being Faithful and for being there for me for hearing my prayers every single day when i was so scared and thinking what’s going to happen to me the next day,” pahayag ni Kimpoy.
Nagpasalamat din siya sa buong production ng “Bagong Umaga”, “Abba Father Father My Lord God and Savior Jesus Christ thank you for Healing me and for my BU Fam for supporting me when i got sick last month from Covid.
“Thank you Lord for Recovering me, for healing me till i get well and get back to work.
“Thank you for Covering me with your Precious Blood Your my Healer.
“Thank you Abba Father My Lord God and Savior Jesus Christ.
“I owe you everything especially My Life. Amen,” ang bahagi pa ng panalangin ng anak ni Joey de Leon.
Samantala, sa nakaraang finale presscon ng “Bagong Umaga” muling nag-shoutout si Keempee para mag-thank you sa lahat ng kasamahan at nakatrabaho niya sa serye.
“Thankful talaga ako to the whole Bagong Umaga family who prayed for all of us nagtse-check every single day sa Viber, sa buong production and staff, na hindi kami pinabayaan all the way, na talagang inalagaan kami.
“Every day, tsinecheck kung kumusta ang pakiramdam namin and everything.
“Nandoon ang family support ng bawat isa, e. Thankful ako. It’s not just about work, but the family na nabuo, yung friendship, yung relationships,” pahayag pa ni Kimpoy.
Isa si Keempee sa anim na cast members ng “Bagong Umaga” na tinamaan ng killer virus na gumaling at naka-recover din. Ang limang iba pa ay sina Nikki Valdez, Heaven Peralejo, Sunshine Cruz, Barbie Imperial at Tony Labrusca.