O, huwag nang mag-alala ang mga fans ni Ryan Agoncillo, okay na raw ang TV host-actor matapos ma-confine sa ospital dahil sa dengue. Si Ryan na ang ikalawang host ng Eat Bulaga na nadale ng dengue, ang una nga ay si Michael V..
Ayon kay Ryan sa isang TV interview, “Last Saturday, noong nasa Eat Bulaga! Ako, medyo masama na ang pakiramdam ko. And then, pag-uwi ko na nu’ng gabing yun, mataas na ang lagnat. We were actually supposed to go on a vacation this week.
“Buti na lang, lumabas yung lagnat a few days before bago kami nakaalis. Mula noon, Saturday night, on and off na ang lagnat. Then, Tuesday morning, we decided na magpa-blood test na, upon advice of our family doctor.
So, yun na, hindi na ‘ko pinauwi. “So, I’ve been confined since, bumagsak ang platelets ko. Ang normal count ng doctor, 120 (thousand), bumagsak ako hanggang 14,” chika pa ni Ryan na sumailalim din sa blood transfusion tulad ni Bitoy.
Nagpasalamat din si Ryan at ang misis nito na si Judy Ann Santos sa lahat ng nag-donate ng dugo sa kanya.
Ayon pa sa TV host, hindi niya alam kung saan talaga niya nakuha ang dengue, maaaring sa mga lugar kung saan siya nagba-bike o sa mga location ng taping at shooting, “Oo, maaaring sa trabaho nakuha or because of the recent rain.
Yung mga surroundings natin kasi, talagang hindi maiiwasan. Hindi mo na malalaman kasi, it takes the virus 7 to 10 days to incubate. So, hindi mo talaga… na nasa hospital ka pa, makikita mo ang kagat ng lamok.
“Maaring nasa hospital ka, lumipas na yung pantal ng kagat ng lamok bago ka pa dinapuan mismo,” kuwento pa ni Ryan.
At siyempre, hindi iniwan ni Juday ang kanyang mister habang nasa ospital ito, buti nga raw at tapos na ang teleserye ng aktres kaya libreng-libre siya sa pag-aalaga kay Ryan habang nagpapagaling ito.
( Photo credit to Google )