‘Mananalo si Angel kung tatakbong senadora o congresswoman’

IPINAGTANGGOL ni Ogie Diaz  si Angel Locsin sa kanyang “Ogie Diaz Showbiz Update” YouTube account.

Kasama ni Ogie si Mama Loi habang tinatalakay nila ang  mga nagawa ni Angel prior to the controversial incident sa community pantry nito kung saan may namatay na matandang lalaki.

“So, sa akin lang ay sana nasisilip nu’ng ibang tao, although ‘yung iba kasi nagbubulag-bulagan sa lahat ng ginagawang kagandahan at kabutihan ni Angel.

“Sana nasisilip niyo rin ‘yung kabutihan ni Angel. Lahat, in fairness to Angel napaka-consistent niya…” say ni Ogie.

“Mula doon sa Marawi siege na dumiretso siya para maghatid ng tulong.  Sa mga kababayan natin na naano sa pagsabog ng Taal (volcano), lahat ‘yan,” say pa ni Ogie.

Binira din ng talent manager ang mga taong nagsasabing namumulitika ang aktres.

“Sabi kasi nila itigil na raw ni Angel ang pamumulitika. Ano bang pamumulitika, kayo naman masabe niyo lang pamumulitika hindi niyo naman alam ang meaning.

“Masabe lang na kayo ay nakaano, updated sa mga pulitika. Hindi naman din ano si Angel, tatakbo,” dagdag pa ni Ogie.

“Baka natatakot sila na tumakbo si Angel,” say naman ni Mama Loi.

“Kasi mananalo si Angel kung tatakbong senadora. Ganu’n lang kasimple. Senadora ‘yan o congresswoman or party list. Eh, mas marami pa ngang ginagawa si Angel kaysa sa ibang congressmen, hello,” walang kagatul-gatol na sabi ni Ogie.

“Yan bang mismong tumutuligsa kay Angel may nagagawa, para sa bayan? Ano pakiisa-isa po. Karamihan po, eh, puro ano lang eh, puro bashing through the snow,” say pa ni Ogie.

* * *

Malapit na mapatunayan ni Tisay (Heaven Peralejo) ang pagkakasangkot ni Diana (Glydel Mercado) sa mga trahedyang nangyari sa kanyang pamilya at sa mga kaibigan ngayong huling linggo ng “Bagong Umaga.”

Ngunit manganganib ito at ang kanyang mga magulang dahil nakatakas si Diana habang inililipat sa ibang mental facility.

Natuklasan ng ospital at mga awtoridad na nakikipag-usap si Diana sa mga kahinahinalang mga tao sa labas gamit ang isang telepono.

Hindi alam ng lahat, sinadya ni Diana na mahuli dahil magkakaroon ito ng pagkakataon na tumakas.

Hindi nakuntento si Diana sa pagtakas at nang malamang buhay ang tunay na anak na si Angge. Gusto pa rin nito na maghiganti sa mga Veradona dahil naniniwala itong sasama sa kanya ang anak kapag mawala na si Tisay.

Ngunit hindi niya ito magagawa nang walang tulong ng isa pang kaaway ni Ian – si Matthew (Richard Quan).

Makumbinsi kaya ni Diana si Matthew na patayin ang mga Veradona? Mailantad kaya ang balak ng dalawa?

Panoorin ang pagtatapos ng “Bagong Umaga” ngayong linggo sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, at iWantTFC. Sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel.

Read more...