TINUTUKAN ng milyun-milyong Kapuso viewers ang pagsisimula at pagbubukas ng “Heartful Café” kagabi sa GMA Telebabad.
Patunay dito ang pagiging trending topic ng bagong Kapuso romcom series nina Julie Anne San Jose at David Licauco sa Twitter — both sa Pilipinas at buong mundo.
Ang official hashtag ng first episode nito na “#HCNowServing,” kasabay ng “Meet CEO Heart,” ay bumandera sa top spots sa Philippine Twitter at naging Top 25 naman sa Worldwide Twitter Trends.
Kanya-kanya ring post ang fans ng tambalan nina Julie Anne at David tungkol sa mga favorite scenes nila mula sa pilot episode lalo na ang mga nakakaaliw at pampa-good vibes na mga eksena ni Heart Fulgencio, ang karakter nga ni Julie Anne.
Dahil sa napakainit na pagtanggap ng manonood sa “Heartful Café”, super thankful ang Kapuso actress at singer sa kanyang mga tagasuporta.
Tweet ng dalaga, “Sobrang salamat sa pagtutok at pagtrend sa #HeartfulCafe. Nakakataba ng heart!”
“May Numero Uno special sa menu pero kayo talaga ang number one! See you at the cafe, bukas ulit WOHHH!” aniya pa.
Sa nakaraang panayam kay Julie Anne, natanong ang reaksyon niya sa pagpapalabas ng kanilang serye sa GMA Telebabad sa halip na sa GTV, “First of all, thank you sa GMA for giving us this wonderful show.
“Actually, it didn’t really matter to us kung saan ipapalabas, e. Talagang na-surprise kami at nagulat na magpa-primetime na kami.
“Ako, I’m so grateful to GMA kasi sa dito (primetime) nila nilagay ‘yung ‘Heartful Café.’ We also can’t wait na maipakita namin ‘yung aming ginawang proyekto sa ating mga Kapuso,” sabi pa ng dalaga.
Ayon pa sa Asia’s Pop Diva, talagang na-challenge siya sa kanyang role bilang si Heart Fulgencio kahit na very light romantic-comedy drama ang show.
Nagamit daw kasi niya ang pag-break ng fourth wall o pagkausap sa mga manonood para mas maging relatable ang kanyang karakter.
“I just found it very interesting kasi this is my first time to do this technique and usually ginagawa siya sa theatre at ngayon nagawa na siya sa TV and film.
“It took me some time to familiarize myself sa technique na ito and thankful din ako kina Direk Mark (Dela Cruz) and sa mga coach kasi wino-walk through nila ako sa style na ‘yun.
“Every single day nai-imbibe ko ‘yung character and they make it easier for me to do it,” lahad ng Kapuso star.
“It was a challenge for me kasi may shifting na nangyayari, shifting ng emotions at ng sinasabi niya. Kasi minsan contradicting ‘yung thoughts niya sa ginagawa n’ya.
“So basically, it’s like having an alter ego. Pero hindi siya ibang character. Si Heart pa rin siya but meron lang siyang piece for the audience.
“And it’s basically how she can relate to the audience who are watching the show. Na mas nag-iinvite siya na makasama ang audience sa show,” dagdag pa ng aktres.
Napapanood ang “Heartful Café” sa GMA Telebabad after “First Yaya”.