Truth or fake: Zac Efron may ipinaretoke nga ba sa mukha?

NAGTATALU-TALO ngayon ang mga netizens kung may ipinaretoke nga ba sa kanyang mukha ang Hollywood star na si Zac Efron.

Isa sa mga top trending topic ngayon sa Twitter ang international actor matopos kumalat sa social media ang kanyang litrato na kuha sa “Earth Day! The Musical” video ni Bill Nye sa Facebook.

Nag-guest sa nasabing digital event si Zac kasama ang iba pang kilalang international celebrities. Nang makita ng fans ang aktor marami ang nakapansin sa tila pagbabago sa itsura nito ngayon.

Ayon sa ilang netizens, agaw-eksena raw ang perfect jawline at kakaibang lips ng “High School Musical” at “Baywatch” actor kaya naman may mga nagsabi na baka raw nagpa-plastic surgery ito o nagpa-botox.

Base sa ilang comments na nabasa namin, naging kahawig na raw tuloy si Zac ng mga kilalang movie characters tulad nina Handsome Squidward, Johnny Bravo at Handsome Shrek. May nagkomento naman na para na siyang sina Rob Lowe at David Hasselhoff.

Ngunit may mga nagtanggol naman kay Zac sa social media at nakiusap na tigilan na ang pang-ookray sa aktor dahil hindi naman daw nila alam kung ano ang pinagdaraanan nito ngayon o kung may iniinda itong health condition.

Samantala, sa isa namang TikTol video na kumakalat ngayon, isang plastic surgeon na nagngangalang Dr. Anthony Youn, ang nagbigay ng pananaw tungkol sa issue.

Paliwanag niya, “Everybody is talking about Zac Efron and how strange he looks. Has he had plastic surgery to reshape his jawline, botox or fillers?

“I don’t think so. I actually think he’s had dental surgery, not plastic surgery. That’s why he’s swollen in these areas.

“If you’ve had your wisdom teeth taken out, did you look like this?” sabi pa ng doktor.

Kayo ba dear BANDERA readers, ano sa tingin n’yo, nagparetoke ba o dental surgery lang?

Read more...