‘Bikini’ ni Sanya sa ‘First Yaya’ trending sa socmed; ‘I Can See You’ ni Barbie gumawa ng ‘history’

HOT topic ngayon sa social media pati na sa viewers at mga netizens ang recent episode ng Kapuso primetime series na “First Yaya”.

Ito ang eksena kung saan inirampa ni Sanya Lopez na gumaganap bilang Yaya Melody ang kanyang jaw-dropping beach body.

Pumalo na sa 2.1 million views at number 1 trending ngayon sa YouTube Philippines ang naturang episode matapos lang ang ilang araw.

Umani rin ng papuri mula sa netizens ang show dahil sa nakaaaliw na kwento at nakakahangang cinematography nito.

“I really love this show. Sobrang ganda ng story, light lang and sobrang good vibes. Love the cinematography too. Sobrang galing ng cast! Congrats to the whole team of First Yaya!” komento ng isang netizen.

Tinawag din si Sanya na isa sa mga “next big stars” ng Kapuso Network,  “Sanya’s beauty and charm is different! Grabe lakas talaga ng dating at karisma niya! And she’s acting naturally. I can say that she is one of the next big stars of GMA.”

Kaya huwag nang magpahuli at gabi-gabing tutukan ang nakaka-good vibes na kuwento ng “First Yaya,” pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA Telebabad.

* * *

Mula sa pitong kuwentong naipalabas mula sa dalawang seasons ng groundbreaking Kapuso drama series na “I Can See You,” naitala ng latest episode nitong “The Lookout” ang pinakamataas na rating ng serye.

Dahil sa intense na mga kaganapan at makapigil-hiningang mga eksena, nakakuha ang “The Lookout” ng combined ratings na 17.6 percent (NUTAM PPL PRIME Survey) nitong Huwebes (April 22).

Tampok sa crime thriller mini-series sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Kapuso hunk actor Paul Salas, at ang nagbabalik-Kapuso na si Christopher de Leon.

Bumuhos din ang papuri mula sa viewers sa out-of-the-box na tema nito at mahusay na portrayal ng mga bida. Sabi nga ng isang viewer, “Andaming life lessons sa mini-series na ito. It is not your ordinary crime thriller. Kudos to the team! #TheLookoutReunited”

Nagpasalamat naman si Barbie sa lahat ng mga sumubaybay sa kanilang episode. Marami raw siyang natutunan sa naging pagganap niya sa karakter ni Emma Castro.

Read more...