Lovi tuloy na ang paglipat sa ABS-CBN, bibida nga ba sa Pinoy version ng Doctor Foster?
SI Lovi Poe na nga ba ang gaganap na Kate Parks o Yeo Da-Kyung sa Filipino adaptation ng “Doctor Foster”?
May nakausap kasi kaming source tungkol dito at may pahaging nga siya tungkol sa posibleng pagganap ni Lovi sa nasabing role.
Sa Instagram account ng Dreamscape Entertainment ay may post na, “Philippines, who will be the next?” at katabi ang mga larawan ng mga bidang sina Jodie Comer as Kate Parks (UK) at Han So-Hee bilang si Yeo Da-Kyung (South Korea).
Ang caption nito ay, “She is the Philippines’ Kate Parks/Yeo Da-Kyung. Guess who?”
Kanya-kanyang panawagan ang supporters nina Jane de Leon, Loisa Andalio, Julia Montes, Nadine Lustre at Julia Barretto para sa mistress role at sina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria at Judy Ann Santos naman ang bet nila sa lead role.
Going back to Lovi, balitang “done deal” na raw ang paglipat ng dalaga sa Kapamilya network at hindi palang ito maanunsyo dahil may mga inaayos pa.
At baka hinihintay pang matapos ang umeereng serye ni Lovi sa GMA na “Owe My Love” kung saan kasama niya sina Rocco Nacino at Benjamin Alves.
Kung susundin ang planong 42 episodes ang “Owe My Love” ay tatagal pa ito hanggang Hulyo at hindi rin namin alam kung natapos na lahat ni Lovi ang mga eksena niya sa programa.
Nasa Amerika si Lovi ngayon para dalawin ang boyfriend niyang si Montgomery Blencowe at magtatagal daw doon ang aktres ng dalawang buwan.
Kung totoong si Lovi na ang napiling bida sa “Doctor Foster” ay mukhang bagay naman sa kanya at kung ibabase sa orihinal na istorya ay bagay kay Ian Veneracion ang karakter ng mister at pwede namang maging other woman si Julia Barretto.
Abangan na lang ang final announcement ng Dreamscape Entertainment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.