Mga residenteng sumugod sa community pantry ni Angel isa-swab test nang libre

DAHIL sa libu-libong residente na pumunta sa Barangay Holy Spirit nitong Biyernes, para sa pa-birthday community pantry ni Angel Locsin ay nanawagan ang local government unit ng Quezon City na tumawag sa kanilang tanggapan para magpa-swab test.

Kitang-kita sa mga nakunang video at larawan na na-post sa social media na hindi nasunod ang health protocols na ipinatutupad ng pamahalaan ng mga dumalo at pumila sa nasabing birthday community pantry ng aktres.

Narito ang statement mula sa  Quezon City Gov.PH, “To Residents and fans of Angel Locsin who went to the community pantry set up by the actress-philanthropist are invited by the Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) to avail of the city’s free swab testing service.

“According to CESU chief Dr. Rolando Cruz, residents who are showing COVID-19 symptoms such as flu and cough after going to yesterday’s event at the Titanium Bldg., Brgy. Holy Spirit need to come forward and have themselves checked.

“Hindi natin puwedeng isantabi ang posibilidad na nagkahawahan dahil sa dami ng dumalo. Mabuti nang makasiguro na hindi natin mahawahan ang ating pamilya at mga kasama sa komunidad,” ayon pa sa nasabing pahayag.

At sa mga residenteng naapektuhan, maaaring magpa-appointment online via https://bit.ly/QCfreetest. They may also call any of the following QC Contact Tracing Hotlines: 8703-2759, 8703-4398, 0916-122-8628, 0908-639-8086, 0931-095-7737.

Umapela rin si Dr. Cruz kay Angel, “Our office will remain open for support from Ms. Locsin and her camp, considering the effort and cost of doing testing and contact tracing of those who participated in the community pantry. We hope to be furnished with any pertinent information that could aid us in immediately identifying, testing and isolating suspected Covid 19 cases.”

Ni-repost naman ng aktres sa kanyang IG account ang panawagang ito ng Quezon City government sa mga dumalo sa kanyang community pantry.

Read more...