Bianca may hugot sa mga manloloko ng dyowa; ‘Init Sa Magdamag’ ni Gerald trending agad

KAHIT kailan ay hindi magiging okay ang pangangaliwa o panloloko ng isang tao sa kanyang dyowa.

Yan ang ipinagdiinan ng Kapamilya TV host na si Bianca Gonzalez-Intal nang mabasa ang isang viral post sa social media patungkol sa isyu ng “cheating”.

Narito ang laman ng post na tinutukoy ng misis ng dating PBA star na si JC Intal.

“Idk who needs to hear this but if your boyfriend cheats on you, you need to understand that you lacked something that made him cheat.

“Instead of leaving him, find out what you’re lacking and apologize to him and be a better girlfriend.

“A good loyal woman stays and supports her unfaithful man in difficult times.”

Sa kanyang Twitter page, sinagot ito ni Bianca, “Saw this shared online and honestly, this mentality makes me sick.

“Every partner has their share of shortcomings but to use it to justify cheating is sickening. To the boys who think like this, please, BE BETTER.”

Maraming sumang-ayon sa paliwanag ng Kapamilya TV host at nagsabing kahit kailan at kahit ano pa ang dahilan, ang pangloloko ay pangloloko at walang sapat at tamang rason para rito.

Kung matatandaan, nagpakasal sina JC at Bianca sa El Nido, Palawan noong December, 2014, at biniyayaan ng dalawang anak, sina Lucia at Carmen Eliana.

* * *

Agad na kinagiliwan ng manonood ang mga karakter nina Yam Concepcion at Gerald Anderson na parehas na nagpapakatatag sa laban ng buhay sa bagong serye ng ABS-CBN Entertainment na “Init Sa Magdamag.”

Puring-puri ng viewers ang madiskarteng si Rita (Yam), na kahit hirap sa buhay ay nakakahanap pa rin ng paraan para matupad ang pangarap. Hindi nagpakita ng pagiging makasarili si Rita nang unahin pa niyang padalhan ng pera ang kapatid na si Khyle (Mark Oblea) na nakabuntis kaysa magbayad ng tuition fee niya.

Sa kabilang banda, nakita naman ng viewers ang pagsisikap ni Tupe (Gerald) na kahit pasaway sa tingin ng lahat ay pursigidong maging isang doctor.

Sa dami ng papuri sa serye online, agad na nagtrending ang #InitNgUnangGabi nationwide.

“Saktong sakto ang timpla no? May tamang pakilig, may tamang pakurot din sa puso!! Lalo na dun sa part ng family ni Rita at yung nasagip nyang buhay. Kaya maraming maraming salamat sa mga nurses, doctors, at frontliners ngayong pandemya,” komento ni @AltiWantTFC.

“Ang bait na anak ni Rita pati ipon niya ibibigay nya sa pamilya niya #InitNgUnangGabi,” sabi ng @TeamGeraldandJulia.

Ani ni @PrincessFrance, “At naappreciate ko na bago ang major plot points, pinapakapit muna tayo ng #InitNgUnangGabi kina Rita at Tupe, and wants/goals nila as characters. Hindi mabagal, hindi mabilis… Tamang pacing lang, enough to sustain our interest.”

Samantala, sabik na rin ang netizens mapanood si JM de Guzman bilang si Peterson.

“#InitNgUnangGabi yam is da best.. Papa @Jmdeguzman asan ka na ba?” tanong ni @itsmetopheng.

Saad ni @allisonmallari, “Kelan kaya lalabas si Peterson? Mas maeexcite ako dun.  #InitNgUnangGabi”

Mula sa Star Creatives ang “Init Sa Magdamag” sa ilalim ng creative management ni Henry Quitain at sa direksyon nina Ian Lorenos at Raymond Ocampo.

Panoorin ito gabi-gabi, 9:20 sa TV5 at A2Z channel sa free TV at digital TV boxes gaya ng ABS-CBN TVplus, sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel at Jeepney TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. Sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel.

Read more...