Mylene, Kit nominado sa 54th WorldFest-Houston filmfest para sa ‘Belle Douleur’

NOMINADO sa pagka-best actor at best actress sina Kit Thompson at Mylene Dizon sa Panorama Asia section sa 54th WorldFest – Houston Film Festival para sa pelikulang “Belle Douleur” na idinirek ni Atty. Joji Alonso.

Ipinalabas sa Pilipinas ang nasabing pelikula noong Agosto, 2019.

Makakatunggali ni Kit ang Japanese Actor na si Hideyuki Kawahara at Yuh Kamiya, para sa pelikulang “Sin-Gone Irony”, samantalang makakalaban naman ni Mylene ang Vietnamese actress na si Hoang Thi Bich Phuong sa pelikulang “Invisible Love” at ang Japanese star na si Nao Hasegawa para sa pelikulang “Beautiful Lure.”

Ang “Belle Douleur” ay isinali sa 2019 Cinemalaya Film Festival at nanalo ng Audience Choice Award para sa full-length film category.

Anyway, mapapanood ang “Belle Douleur” sa 54th Worldfest-Houston International Film Festival mula Abril 22 hanggang 25 sa Houston, Texas.

Abut-abot naman ang pasasalamat ng Quantum producer at director na si Atty. Joji sa co-producers niya para mabuo ang pelikula na unang full length niya tulad ng Cinemalaya, iWantTFC, Dreamscape Entertainment head Deo T. Endrinal.

Tinag din niya ang mga artista niya sa “Belle Doule” na sina Milen Dijon (Mylene Dizon), Keith San Esteban (Kit Thompson), direk Laurice Guillen, ang Quantum producer niyang si Patricia Sumagui, Ferdy Lapuz, Viva supervising producer June Torrejon-Rufino at Cornerstone CEO and President Erickson Raymundo.

Binabati namin ang Team Belle Douleur mula sa BANDERA.

* * *

Maaari nang subaybayan ng mga manonood sa Pilipinas ang maaksyong kwento ng dating U.S. secret agent na si Alex Walker sa “Almost Paradise” sa Ingles o Filipino.

Bukod sa Filipino-dubbed version ng crime drama series, libre na ring mapapanood sa Pilipinas ang orihinal na bersyon nito, na unang ipinalabas sa Amerika noong 2020, kapag nag-download ng iWantTFC app o binisita ang iwanttfc.com.

Tampok sa episode ngayong Linggo (Abril 25) ng de-kalibreng produksyon mula sa ABS-CBN at Electric Entertainment ang ilan pang Pilipinong aktor na tunay na may world-class na talento na sina Raymond Bagatsing, Lotlot De Leon, AC Bonifacio at Ruth Alferez.

Gagampanan ni Raymond, na nagbida rin sa isa pang international project ng ABS-CBN na “Quezon’s Game,” si Detective Rabara, isang bigating imbestigador na may mahalagang papel sa buhay ni Detective Kai (Samantha Richelle). Si Lotlot naman si Gloria ang bestfriend ng ina ni Kai, na gagampanan naman ni Ruth Alferez. Si AC, ang multi-talented young star na napanood kamakailan lang sa hit international series na “Riverdale,” ang gaganap bilang batang Kai.

Si Rabara kaya ang maging susi sa bagong kaso ng krimen sa isla? Ano ang madidiskubre nina Alex (Christian Kane) at Detective Ernesto (Art Acuna) tungkol sa nakaraan ni Kai sa kanilang sariling pag-iimbestiga? Alamin iyan sa ikaanim na episode ng unang American TV series na kinuhanan ng buo sa Pilipinas.

Pinamagatang “Rise of the Kalangay,” isinulat ito ni Sean Presant at idinirek ng batikang Pilipinong direktor na si Hannah Espia. Bukod kay Hannah, nag-direk din para sa serye ang kapwa niya Pinoy filmmakers na sina Dan Villegas, Francis Dela Torre, at Irene Villamor.

Huwag palampasin ang mas tumitindi pang aksyon sa “Almost Paradise”  tampok ang galing ng Pilipino sa likod at harap ng kamera tuwing Linggo, 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live (KOL) sa Facebook at YouTube, at iWantTFC app (iOs and Android) at website (iwanttfc.com).

Read more...