“I’M just so happy and proud to call you my husband!” Ito ang bahagi ng birthday greeting ni Jessy Mendiola sa kanyang asawang si Luis Manzano.
Nag-celebrate ng kanyang ika-40 kaarawan ang TV host-comedian kahapon, April 21, kasama si Jessy. Ito ang unang pagkakataon na nagdiwang ng birthday si Luis kasama ang kanyang misis.
Sa kanyang Instagram page, muling ibinandera ni Jessy ang pagmamahal at suporta kay Luis kalakip ang ilang litrato na kuha sa kanilang civil wedding.
“Everyday, I pray for that smile. Happy birthday my love,” she said. “Thank you for being such a blessing to all of us.
“You are one of the reasons why my life is so full of positivity and love.
“I’m just so happy and proud to call you my husband and I will never get tired of loving and supporting you. I thank God everyday for you. I love you, hubby,” ang inilagay na caption ng aktres sa kanyang IG post.
Sa comment section, sumagot naman si Luis ng, “Thank you, my wifey! Howhow you!”
Sa kanyang official Instagram account, binati rin si Luis ng kanyang inang si Star for All Seasons Vilma Santos.
Nag-share si Ate Vi ng litrato nila ng panganay na anak kasama si Jessy na may mensaheng, “Happy birthday, Son! Love you guys. God bless! I LOVE YOU, LUCKY!”
Makalipas ang apat na taon bilang magkarelasyon, nagpakasal na rin sina Jessy at Luis last February na ginanap sa The Farm in San Benito sa Lipa, Batangas.
Nang dahil sa ipinatutupad na health protocols ng pamahalaan dulot pa rin ng COVID-19, limitado lang ang naging bisita ng bagong kasal.
Ilan sa mga dumalo sa intimate at civil wedding ng celebrity couple ay ang nanay ni Luis na si Ate Vi kasama ang husband nitong si Sen. Ralph Recto, at ang tatay ng TV host na si Edu Manzano.
Ang pamilya at ibang kaanak naman ni Jessy ay um-attend sa pamamagitan ng zoom video kaya kahit paano’y nakumpleto rin ang attendance sa kasalan.