Sharon nagbago ang isip sa pagre-retire sa showbiz: OK Lord, I guess you don’t want me to stop pa

ANO nga ba ang sikreto ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta at hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang interes at suporta sa kanya ng madlang pipol?

Masasabing isa pa rin si Shawie sa mga showbiz icon na buhay na buhay pa rin ang career hanggang ngayon dahil palagi pa ring nababasa sa headline ng mga entertainment news ang kanyang pangalan.

Sa loob ng 40 taon niya bilang singer, aktres, TV host, endorser at ngayon ay isa na ring vlogger, masasabing wala nang kailangan pang patunayan ang Megastar. Siya talaga ang maituturing na original multimedia queen.

“I don’t know what the secret is to longevity but I think in this business, I think I just have a real passion for my craft. For everything I do, acting, singing, hosting, anything,” ang pahayag ni Sharon sa panayam ng “Anong Ganap?” sa PBO channel ng Viva Entertainment.

“I love making people happy. I think that’s it. And siyempre being able to express myself creatively, exercise my creative juices, celebrate and let them flow.

“Saka ‘yung may lisensiya ka to be someone else every now and then sa iba’t ibang roles na ginagampanan mo.

“Parang, ah dito pwede akong magwala ng konti kasi hindi naman ako ito. Alam naman ng tao na role lang ito. So, sa akin it’s really devotion,” paliwanag pa ng Megastar.

Feeling blessed and grateful siyempre ang misis ni Sen. Kiko Pangilinan na hanggang ngayon ay  matatawag pa rin daw siyang “relevant” sa entertainment industry.

“I’m still surprise and overwhelmed and I feel blessed. And I always take my cue from God like I say all the time.

“Kasi parang I was really gearing towards retirement. Tapos biglang, it wasn’t just this offer there were others na magkakasunod. ‘Okay Lord, I guess you don’t want me to stop pa,'” aniya pa.

Sa ngayon, abangers na ang mga Sharonians sa bagong pelikula ni Mega na “Revirginized” under Viva kung saan makakasama niya ang hunk actor na si Marco Gumabao.

Napapanoon din siya sa TV bilang isa sa mga judge ng “Your Face Sounds Familiar” sa ABS-CBN.

Read more...