Vicki Belo, Hayden Kho tumulong sa pagbabakuna sa mga taga-Makati

NAG-VOLUNTEER ang celebrity couple na sina Vicki Belo at Hayden Kho sa isinasagawang immunization program ng pamahalaan kontra COVID-19 pandemic.

Nakibahagi ang mag-asawa kasama ang ilan nilang staff sa pagtuturok ng bakuna sa ilan nating mga kababayan kahapon.

Base sa ipinost ni Vicki Belo sa kanyang social media account, naglaan sila ng panahon nina Hayden upang mag-assist sa pagbibigay ng COVID-19 vaccines sa mga kwalipikadong residente sa  Barangay Dasmarinas, Makati City.

“Recently, I’ve been thinking about my ‘why.’ Being able to help others will always be one of them.

“Thank you to Brgy. Dasmariñas, the COVID-19 Task Force of Makati, Carrie Legazpi, and all the frontliners present in CSA Makati today. It was an honor to serve with you,” ang caption ng cosmetic surgeon sa kanyang Instagram photos.

Bukod kina Vicki at Hayden, isa pang nag-volunteer sa vaccination program ay ang celebrity doctor na si Aivee Teo.

Tumulong naman siya sa pagbabakuna sa mga residente ng Barangay Dasmarinas nitong nagdaang April 19 kasama ang asawa niyang si Dr. Z Teo at ilan nilang empleyado.

Kamakailan, napabalita rin ang pagpapabakuna ng ilang local celebrities kabilang na sina Coney Reyes, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Jolina Magdangal at asawang si Mark Escueta, Karla Estrada, Alice Dixson at Mark Anthony Fernandez.

Read more...