Ion nakabili ng motorsiklo sa halagang P2-M; Nikki balik-taping matapos gumaling sa COVID

IPINAGTANGGOL ni Ogie Diaz ang dyowa ni Vice Ganda na si Ion Perez matapos itong ma-bash dahil sa kanyang post recently.

Ion posted kasi a Ducati motorcycle habang nasa bahay ni Vice Ganda.  Siyempre pa, marami ang nagsabi na ito ay galing sa main shot ng “It’s Showtime.”

Ang feeling ng bashers, naglabas ng milyon si Vice para mabili ang Ducati motorcycle for Ion.

Sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update, ipinagtanggol ng talent manager si Ion.

“Kung kilala ko tong si Ion, maprinsipyo din tong bata, ha. Lahat ng endorsements niya, ‘yung kanyang gastos, kanyang gastos ‘yun.

“So, binili ni Ion ‘yun. Siguro mga two million ‘yun, ang bili ni Ion doon, pero mga three million ‘yung nakalagay sa Ducati. At saka  nagtatrabaho si Ion,” say ni Ogie sa isang write-up na lumabas sa isang website.

According to Ogie, pinag-ipunan ni Ion ang kanyang Ducati motorcycle.

“Inipon niya ‘yan, binili niya ng motor. Kasi kung ako ha, sa basa ko sa mukha niya, hindi ako manghuhula pero sa basa ko sa mukha ni Ion, siguro siya ‘yung bubuhay kay Vice kung darating ang panahon na si Vice mawawalan,” say pa ni Ogie.

Si Ogie ang dating manager ni Vice Ganda.

* * *

Major adjustment kay Nikki Valdez  ang muli niyang pagsabak sa taping matapos ang kanyang battle with COVID-19.

“First day back at work after recovering from COVID was a bit of a struggle— mixed feelings of happiness, excitement, nervousness and anxiousness.

“Nevertheless, I am thankful to see everyone today. We had our own share of stories to tell,” say niya sa kanyang Instagram post recently.

“My body is extra tired but my heart is filled with gratitude for this day and all the people I am surrounded with.

“Indeed, there is always something to be thankful for,” say pa niya.

Read more...