PBA Player of the Week: 5-foot-6 Emman Monfort

MALIIT man siya kumpara sa ibang manlalaro sa Philippine Basketball Association ay hindi ito hinayaan ni Emman Monfort na mapigilan ng kanyang pagpupugay sa PBA Governors’ Cup.

Sa linggong nagdaan ay pinangunahan ng makisig na playmaker ang Barako Bull sa ikatlong sunod na panalo sa liga para mahirang bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week sa period na Agosto 26-Setyembre 1.

Sa 104-91 panalo kontra Barangay Ginebra noong Sabado, ang5-foot-6 na si Monfort ay umiskor ng career-high 25 puntos at tumira ng 5-for-10 mula sa three-point area. Humugot din siya ng tigalawang rebounds, assists at steals sa  38 minutong paglalaro.

Nagawa ito ng 24-anyos na si Monfort habang katapat ang isa sa pinakamahusay na point guard ng liga na si LA Tenorio na kumuha lamang ng apat na puntos ngunit may pitong rebounds at walong assists.

“First, he (Monfort) is a hard worker in practice,” sabi ni Barako active consultant Rajko Toroman. “Second, he is showing size is not the most important thing if you are skills-smart. And last, if you have character you can do a lot. He is starting to be the player I had expected can make a big impact in the PBA.”

Bumilib din si Energy coach Bong Ramos.

“Emman is working hard everyday in practice. He invests a lot during our training, that’s why he is playing great right now,” sabi ni Ramos.

“The system is good for him, too. He embraces it.”

( Photo credit to INS )

Read more...