Zoren kay Carmina: Magaling ka magtago pero hindi ka magaling humawak ng pera

NAGING nerbiyosa at paranoid si Carmina Villaroel pagdating sa usaping pera noong magsimula ma silang magsama ni Zoren Legaspi.

Napag-usapan ng Kapuso couple ang tungkol sa financial aspect sa pagsasama ng isang mag-asawa sa latest vlog ni Carmina sa YouTube.

Sinagot nila ang ilan sa mga assumptions sa kanila ng mga netizens kabilang na nga riyan ang paniniwala ng marami na bukod sa kanilang ipon at mga nabiling property marami pa silang ibang investments.

Ayon sa ilang netizens, feeling nila magaling humawak ng pera si Carmina. Unang nag-react si Zoren, “Magaling ka magtago pero hindi ka magaling humawak ng pera. Kaya mo siyang itago pero hindi mo siya kayang palaguin.”

Sumang-ayon naman agad dito si Carmina, “I agree naman. It’s your job, buti na lang kasi wala akong alam sa mga pag-i-invest sa mga ganyan.”

Sabi pa ni Zoren, “Diyan pumapasok ang pagiging nerbiyosa, paranoid. Sinasabi niya ‘Mawawalan tayo ng pera, bakit ka nag-invest sa ganoon?'”

Sey ni Carmina, mas gusto raw niyang nakikita ang naipon niyang pera kesa ilagay ito sa iba’t ibang investment dahil hindi naman nila sigurado ang kahihinatnan nito.

“Ang hirap kaya mawalan ng pera. Ako kasi naniniwala ako doon sa basta ayokong nawawalan ng cash on hand ba ‘yun tawag doon? ‘Yung liquid,” sabi pa ng aktres.

Samantala, may ilang supporters naman si Carmina ang nagsabi na isa siyang responsable at mabuting ina. Aniya, mula nang ipanganak niya ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi, talagang kinakarir niya ang pagiging nanay.

“I want to believe that I am a good mother but I am still trying to be the best mom for the twins. Kasi when you say best I think that is being perfect already.

“Dapat siguro ‘yung kids ‘yung tatanungin natin diyan pagdating sa pagiging good mother,” aniya pa.

Diretso namang tinanong ni Carmina si Zoren kung mabuting ina ba siya sa kanilang kambal na anak. Tugon naman ng aktor, “Hindi. You’re a great mother!”

Read more...