Sinabi kasi ng isang contestant sa “Tawag ng Tanghalan” segment na favorite subject niya ay history kaya naman on the spot ay nagtanong si Vice ng questions about history like kung sino ang pambansang hero at kung sino ang naka-discover sa Philippines.
Then, out of the blue, say ni Vice Ganda kay Vhong Navarro,“Who discovered China?”
“’Di ko alam ‘yan, ha,” sagot ni Vhong.
“Si Chiara Zambrano ang naka-discover na ang China pala ay malapit na sa Palawan, nasa Julian Felipe reef na pala sila nakakita,” biro ni Vice.
“Nakasakay sila sa maliit na boat. Hinabol sila, ‘di ba?” dagdag pa ng TV host.
Tuwang-tuwang nag-react si Mark Zambrano by posting the video of Vice Ganda sa kanyang Twitter account.
“Ka-level na ng kapatid ko si Magellan! Hahaha,” reaction ni Mark.
Nag-react din si Chiara who also posted a video of Vice Ganda’s joke.
“In the absence of political satire, it’s actually refreshing to see the West Philippine Sea come out as jokes in noontime programs. It shows more people are talking about it now, and more people understand it enough to make them laugh. Also there are other jokes here teehee,” came Chiara’s reaction.
Naging controversial ang pag-cover ni Chiara sa West Philippine Sea matapos siyang habulin ng Chinese boats.
* * *
Nabatikos si Gretchen Barretto when a website came out with a short video kung saan binabakunahan ang former actress.
Nakahawak si La Greta sa braso ng isang babae habang binabakunahan. Sa video, maririnig na napamura siya while being vaccinated.
With that, sinabihan na maarte daw itong si La Greta.
Marami namang netizens ang nagtanggol kay Gretchen.
“Hindi arte iyan. May mga taong ayaw ng needles. Kahit ako, kahit flu vaccine ay ayoko pa ngang tingnan. Noong covid vaccine na ang itinurok sa akin, lalo na dahil mas marami ang volume kaya mas masakit.”
“Hindi arte yun. May ganyan talaga na sa ibang bagay matapang or taklesa or etc, etc, pero pagdating na sa vaccination nagpi freak out or nate tense, napapamura, or naduduwag. Like me, kapag mga ganyan sinasabihan ko agad ang mag-a-administered ng vaccine na sorry and don’t take it seriously in advance dahil mapapa shit ako dahil sobrang nerbyos ko talaga.”
“Kahit sino ang dumadaan sa karayom, lumalabas ang pagiging ordinary mong pagkatao. I’m not surprised sa naging reaction ni GRETCHEN. Mapapamura ka talaga sa takot at kabiglaanan at normal lang yan. Hypocrite ka na lang kung mapapangiti ka pa habang tiniturukan, noh.”
“Di ko pinanood pero sana wag nyo namang sabihang maarte. May mga taong takot sa injection, may mga taong may phobia sa kung ano. May phobia ako sa palaka at naiinis ako sa asawa ko pag minamaliit nya yun or pinagtatawanan nya ko. Hay.”