KUNG noong 2020 ay tumataginting na P100,000 ang premyong tinanggap ni Marian Crisologo nang hiranging “Queen of bECQi,” this year, P200,000 na ang ibibigay sa magmamana ng kanyang korona.
Inilunsad ng Sir Wil Online Challenge team and virtual pageant nang magpataw ang pamahalaan ng “enhanced community quarantine” (ECQ) noong nagdaang taon upang maampat ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Layunin ng pangkat na magbigay-aliw sa mga napilitang pumirmi sa kani-kanilang mga tahanan, at magbigay na rin ng ayuda sa sektor ng LGBTQI+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, and more) na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pagsasara ng ilang mga establisyemento alinsunod sa lockdown.
Mahigit 1,000 aplikante ang tumugon sa hamon ng negosyante at LGBTQI+ personality na si Wilbert Tolentino noong 2020. Mula sa kanila, nakapili ng 120 opisyal na kalahok.
Ngayong taon, halos 4,000 ang mga nagpahiwatig ng interes sa pagsali, at 170 ang napiling makipagtagisan, ayon sa pinuno ng “Kagandahang Flores” beauty camp na si Rodgil Flores, na siya ring pageant director ng Queen of bECQi.
“Automatically when ECQ was re-imposed after a year, [Tolentino] gathered the Sir Wil Online Challenge team (through chat) and gave directives to immediately launch the follow-up search for Queen of bECQi,” pagbabahagi ni Flores sa Inquier sa isang online interview.
“The format of the competition would still be the same, there will be challenge roads that contestants would have to hurdle. Each challenge round serves as an elimination process until the eventual winner, as chosen by the judges, will be proclaimed as the Queen of bECQi 2021,” ani Flores.
Mayroon ding mga yugto kung saan magkakaroon ng pagkakataon ang mga netizen na makapili kung sino ang uusad sa patimpalak.
Ayon kay Flores, “Queen of BECQi is looking for a winner who exemplifies beauty, confidence, wit and intelligence. Someone who can be the best representation of the beki community.”
Mga runner-up sa patimpalak noong 2020 ang mga grand finalist sa 2018 “Miss Q& A” ng “It’s Showtime” na sina Matmat Centeno at Lars Pacheco.
MOST READ
LATEST STORIES