Xian mala-wedding vow ang b-day message kay Kim: Nandito pa rin tayo, nagmamahalan na parang walang bukas

 

NAGMISTULANG “wedding vow” ang birthday greeting ni Xian Lim para sa kanyang pinakamamahal na girlfriend na si Kim Chiu.

Ngayong araw mismo, April 19, ang 31st birthday ng Kapamilya actress at TV host at isa nga si Xian sa mga unang bumati sa dalaga sa pamamagitan ng Instagram.

Nag-post ang binata sa IG ng ilang sweet photos nila ni Kim together na kuha sa ilang lugar na pinuntahan nila nitong mga nakaraang taon. Dito ibinandera ng actor-director kung gaano siya kaswerte sa pagkakaroon ng partner na tulad ni Kim.

“Naaalala ko pa nu’ng first date natin, you told me that you’re worried that what we have might not last because of this crazy world we live in,” simulang mensahe ni Xian para sa dalaga.

Malalim din ang naging hugot ng aktor sa sinabi niya tungkol sa mga taong nagduda noon at nagsalita ng kung anu-anong kanegahan sa kanilang relationship.

“Naysayers had their own versions of what they think we have. So many doubts, so many people trying keep us apart.

“Many years later, nandito pa rin tayo para sa isa’t isa, nagmamahalan na parang walang bukas,” sabi pa ng boyfriend ni Kimmy.

Dugtong pa niyang sabi, “I love you so much Kim, always remember that. Through thick and thin, through ups and downs, know that I’ll always be here loving you every day, every hour and every second.”

Matapos batiin ng “happy birthday” ipinagdiinan pa ni Xian na deserving ang dalaga na mag-enjoy nang bonggang-bongga sa kanyang kaarawan.

Sa Instagram account naman ni Kim makikita ang ilang litrato na kuha sa simpleng selebrasyon ng kanyang special day. Pink na pink ang paligid ng aktres kung saan kitang-kita ang kaligayahan niya sa pa-surprise ng kanyang pamilya.

Kung matatandaan, sa isang panayam sinagot ni Xian ang tanong kung ano nga ba ang sikreto sa matagal at matibay na relasyon nila ni Kim.

“Kumbaga si Kim, she has the freedom to do everything she wants as an artist. And she also gives me the freedom to do whatever it is I feel like I need to do.

“Hindi namin hinahawakan sa leeg iyong isa’t isa,” dagdag na pahayag ng binata.

Ang kulang na lang sa relasyon ng dalawa ay kasal kaya ang palaging tanong sa kanila, kailan nga ba sila lalagay sa tahimik para bumuo ng sariling pamilya.

Read more...