Maine nag-sorry sa mga negang tweet 10 years ago: It was my careless self talking…

BUMUHOS ang pagsuporta at pakikisimpatya ng mga netizens kay Maine Mendoza matapos mag-sorry sa mga luma niyang tweet na muling bumandera sa social media.

Ilang Twitter users kasi ang nag-post ng ilang negatibong komento ng TV host-actress sa socmed ilang taon na ang nakararaan, kabilang na rito ang mga pinagsasabi niya tungkol kina Taylor Swift at Justin Bieber.

Ang mga nasabing tweet ay ipinost pa ng “Eat Bulaga” Dabarkad noon pang 2011 at hindi pa sumasabak sa showbiz at hindi pa rin nakikilala bilang Phenomenal Star.

Ayon sa mga loyal fans ni Maine, maliwanag na nais lamang sirain ang aktres ng mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng dating Twitter message ng girlfriend ni Arjo Atayde.

Last weekend, nag-tweet si Maine tungkol dito at mapagkumbabang humingi ng paumanhin sa publiko. Aniya, “Hi tweeps! I’ve been receiving a lot of messages about my tweets several years ago.

“Sending my sincerest apologies to those whom I have offended with my tweets way back then.

“It was my careless self talking and I didn’t mean to offend anyone. I am sincerely sorry. (pleading face emoji),” pahayag ng dalaga.

Sa sumunod niyang mensahe, binaggit ni Maine na natuto na siya sa mga pagkakamaling nagawa niya noon. Mas naging maingat at sensitibo na raw siya ngayon sa lahat ng kanyang ginagawa.

“Through the years, I have learned to be more careful with my thoughts and words- and how it would affect the people around me.

“Hope you hear me out this time. Praying for everyone’s safety and sanity in these trying times. (heart suit emoji),” dugtong pa niya.

Narito naman ang ilan sa mga mensaheng natanggap ng Dubsmash Queen.

Ayon kay @e_enquire, “It’s ok, Maine. We all need to forgive each other and ourselves. Thank you that you are a good influence to a lot of young people.”

“Walang taong perpekto lahat nagkakamali pero habang dumadaan ang panhon natututo tau,” mensahe ni Belen Agustin.

Komento naman ni @MAINEnatics_US, “People grow up. Mature. Gets to see the bigger picture & understands things better.” We’re not making excuses, but merely asking for understanding from folks, that people go through that juvenile stage, & it shouldn’t define us now.”

“Lahat naman tayo may mga nagawang nega noon ang mahalaga ay nagbago at umamin sa pagkakamali. Sino ba naman ang hindi nakagawa ng kasalanan? Maine is just human, hindi makaratungan na ijudge ang buong pagkatao nya dahil lang mga tweet niya several years back,” sabi pa ng isang nagtanggol kay Maine.

Read more...