British actress na si Helen McCrory na gumanap sa Harry Potter, pumanaw na dahil sa cancer

Actor Damian Lewis at ang kanyang kabiyak na si  Helen McCrory (Reuters)

LONDON — Pumanaw na ang British actress na si Helen McCrory sa gulang na 52 dahil sa cancer, ayon sa pahayag ng kanyang asawang si Damian Lewis.

Ang nakagugulat na balita ay umani ng mga tribute mula sa kilalang author na si JK Rowling, mga kapwa aktor kabilang na si Michael Sheen at mula sa artistic director ng National Theatre  sa London na pumuri kay McCrory bilang “unquestionably one of the great actors of her generation”.

Sa big screen gumanap siya ng papel na Narcissa Malfoy sa Harry Potter films, bilang matriarch sa Peaky Blinders at bilang asawa ni dating prime minister Tony Blair, Cherie.

Sa entablado lumabas siya sa Medea, Lady Macbeth at Hester Collyer in The Deep Blue Sea.

“I’m heartbroken to announce that after an heroic battle with cancer, the beautiful and mighty woman that is Helen McCrory has died peacefully at home, surrounded by a wave of love from friends and family,” ayon pa sa “Homeland” actor na si Lewis.

“She died as she lived. Fearlessly. God we loved her and know how lucky we are to have had her in our lives. She blazed so brightly. Go now, Little One, into the air, and thank you.”

Ikinasal ang dalawa noong 2007 at mayroon silang dalawang anak.

Kamakailan lamang ay nakalikom sila ng isang milyong pounds na donasyon para pakainin ang mga health workers na itinuturing na mga bayani ngayong pandemic.

Mula sa ulat ng Reuters
Read more...