J.Lo at A-Rod nagsalita na sa tungkol sa kanilang paghihiwalay

Jennifer Lopez at si  Alex Rodriguez (Reuters)

LOS ANGELES/NEW YORK — Hindi na matutuloy ang kasal nina Jennifer Lopez at dating New York Yankees baseball star Alex Rodriguez dahil mas mabuti umano sila bilang magkaibigan lamang.

“We have realized we are better as friends and look forward to remaining so,” ani Lopez, 51, na kilala rin sa tawag na  J.Lo, at ni Rodriguez, 45, na kilala bilang  A-Rod, sa isang pahayag.

“We will continue to work together and support each other on our shared businesses and projects,” wika ni Lopez at Rodriguez matapos ang ilang buwang pagtanggi na ang kanilang apat na taon na relasyon ay problemado.

Sinabi ng dalawa na nagpasya silang manahimik na lamang at huwag nang isapubliko pa ang dahilan ng kanilang paghihiwalay bilang pagrespeto sa kanilang mga anak sa mga dating relasyon.

“We wish the best for each other and one another’s children. Out of respect for them, the only other comment we have to say is thank you to everyone who has sent kind words and support,” wika ni Lopez at Rodriguez.

Nitong Marso, tumanggi sila sa mga ulat na naghiwalay na sila.

Noong maagang bahagi ng 2017 nagsimulang mag-date ang dalawa at inanunsyo nila ang kanilang planong pagpapakasal noong Marso 2019.

Nitong nakaraang taon, sinabi ni Lopez na dalawang beses nilang ipinagpaliban ang kanilang kasal dahil sa pandemya.

Si J.Lo ay nagsimula bilang isang mananayaw at mang-aawit, at nagproduce at gumanap sa pelikulang “Hustlers” noong 2019. Lumabas na rin siya sa iba pang pelikula at sa telebisyon.

Nagretiro naman si Rodriguez noong 2016 matapos ang may 22-taong career kung saan nakapagtala siya ng  696 home runs, na naglagay sa kanya bilang pang-apat sa listahan ng all-time home run bg Major League Baseball.

Mula sa ulat ng Reuters
Read more...