Habang sinusulat namin ang balitang ito ay nag-post si Alice Dixson ng larawang may karga siyang sanggol habang naka-upo at pinapanood ang Niagara Falls. Ang nasabing falls ay kilala bilang international border sa pagitan ng America at Canada.
Ang caption ni Alice, “When I was little my father took me here. It was one of the best parks i had ever been to as a child.
“We looked through those old binoculars (you know the old style na hinuhulugan mo ng coins?), walked a footbridge to cross borders & even rode #MaidoftheMist to the base of the Horseshoe where we were warned that there was a possibility of getting wet, (kaya may mga rain coat)hahah! But even with, my mom got absolutely drenched!!! I need to find those pictures.
“Everything about this place is, magical, good memories, constant movement, water, energy. Life symbolisms.
“I guess that’s why I was compelled to return, even for just a short while, to take in the fresh invigorating air, a picture and honor my dad and the dreams he must have had for me at the time.
“I look forward to tell that story of grandma & grandpa to Baby A someday & a proper visit during better times!”
At nabanggit ding, “BTW wala nmn sya talaga sa kumot kundi sa stroller, hahah. Beauty from both sides. #NiagraFalls.”
Ang sanggot na kasama ng aktres ay ang matagal na niyang pangarap na ibinigay sa kanya pagkalipas ng 10 years.
Nauna na itong masulat dito sa Bandera nitong Abril 3 ng aming patnugot na si Ervin Santiago na natupad na ang pangarap ni Alice.
Ayon kay Alice, “Despite the unexpected trials this year, God gave us a little miracle..”
“For those of you who really know me – you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now. Each year – my wish the same when I blew out my candles,” pahayag pa ng aktres at dating beauty queen.
“So with great patience, belief and trust – I am happy to announce my wish has finally come true. Our newest little family member has arrived.”
Matatandaang nagpunta muna ng Canada si Alice dahil may mga inasikaso at doon na rin siya nagpabakuna ng first dose ng Covid-19 na Pfizer at nagtanong din siya kung ganito na rin ang bakunang mayroon sa Pilipinas para dito siya mag-avail ng 2nd dose pero dahil sa mga payo sa kanya ng netizens at mga kaibigan na ibang brand ng bakuna ang meron sa Pilipinas ay minabuti niyang manatili muna sa ibang bansa.
Nag-post din ng video ang first time mommy na nagda-drive siya at habang nasa car seat sa likod ang anak galing Canada at patungo sila ng Amerika.
Ang caption ng video post, “how to travel domestic & international within N. America with all these travel restrictions.”