Mga nabigyan ng ‘ECQ ayuda’ sa Maynila, nasa 52% na

Umaarangkada pa rin ang pamimigay ng tulong pinansiyal sa mga naapektuhan ng Enhanced Communit Quarantine (ECQ) sa Maynila.

Sa huling tala ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) hanggang 5:00, Biyernes ng hapon (April 16), umabot na sa 199,359 pamilya ang nakatanggap ng tig-P4,000 na ‘ECQ ayuda’ mula sa national government.

Ang nasabing bilang ay katumbas ng 52 porsyento ng kabuuang benepisyaryo ng ayuda sa Maynila.

Nagtungo ang mga kawani ng MDSW sa distribution areas sa anim na distrito ng lungsod.

Mahigpit ang pagtalima sa minimum health protocols sa mga distribution area.

Pinayuhan naman ang iba pang benepisyaryo na hintayin lamang ang pagdating ng MDSW staff sa kanilang komunidad sa mga susunod pang araw.

 

Read more...